Sunday, November 1, 2009

Magandang Gabi Bayan


Kakatapos lang ng Undas, at malamang nagkaroon ng maraming ghost stories sa mga holloween party, sementeryo, at sa mga ghost hunting. Pero nung hindi pa uso ang internet, at hindi tayo pumaparty, yung mga taong bahay, tv at snake at ladders lang ang libangan ng mga bata, naalala niyo ba ang pinakanakakatakot at nagbibigay ng saysay sa lahat ng tao kapag UNDAS? Si Kabayang Noli De Castro, Vice President natin.

Hinihintay ng bawat bata, at ang kanilang mga kanya kanyang yaya si Kabayang Noli, at kapag sinabi na niya "Magandang Gabi Bayan!" Sigurado tataas na lahat ng balahibo ng mga manunood. Sa panget na mga special effects, at mga saksi na daig pa ang patay kapag magkwento, nung una hindi ko maisip kung ano talaga ang nakakatakot sa Magandang Gabi Bayan, ngayon naisip ko na, si Noli De Castro mismo, yung boses niya, kung paano niya sabihin ang bawat pangyayari at inarrate ang storya. Ibang klase e. May tono siyang kakaiba at pang horror talaga ang dating. Naisip ko kung si Gus Abelgas ang nag narrate mas nakakatakot ata. Sanay kasi sya sa patayan sa SOCO at yung tono niya ibang klase pag nagpapakilala siya.

Para sa akin Magandang Gabi Bayan ang pinakamalupet na holloween special. Ngayon, wala ng MGB.... SAD.... :( Yung huling MGB co-anchored raw ni Katherine De Castro, anak ni kabayan, Erwin Tulfo, ano pa ba masasabi mo TULFO yan, at si Henry Omaga Diaz, yung matangkad na news caster. Sayang yung mga ghost stories sa MGB ang lulupet pa naman, yung mga tipong dadalhin mo bago ka matulog, at pag gising mo naalala mo pa. Malupet pa sa GRUDGE at RING. Sana every holloween may MGB.

AdRant Vol.5

http://www.youtube.com/watch?v=twB13-WMhXs

Unang AdRant ko toh na pinauso ni Jepoy. Napili kong pintasan at tawanan itong commercial dahil nakakabadtrip toh.

Mega Sardines with Omega 3. Blah blah blah. Ginaya lang nila yung linya na "saging lang ang may puso" kay mark lapid sa isang movie niya. Tapos naasar ako kasi slice of life siya na commercial na may humor pero hindi ako natatawa e.... Naasar ako e! Mas maganda ang mga naunang commercial ng Mega Sardines, kung saan masa pa rin ang role ni Cesar Montano pero mas matino, may emotional factor na parang mga Extra Joss Commercial ngayon ni Jericho Rosales.

Pero yun nga, dahil napansin ko ang commercial na ito malamang may value rin siya, pero ang mangyayari lang kahit may Omega 3 ito o anu mang klaseng pampagaling ng AIDS o Swine Flu hindi ako bibili dahil nacornyhan ako sa commercial.

We Are Back!

Nawala ako dahil nasira ang aking laptop.

Gusto ko ng sariling private army, yun na siguru yung pinakapangarap ko, may mga goons ako at mga "bata" na puwede kong utusan lang at gagawin nila ang mga gusto ko. Gusto ko ng maraming pera at maraming kotse. Parang yung mga nasa movies, mga druglord tapos ang angas nila. May swimming pool at mansion, tapos nakapalibot mga goons nila sa bahay na may mahahabang aramalite! Cool yun!

May kanya kanyang opinion ang bawat tao, kaya nahihirapan ang ibang tao para kilalanin ang kanilang sarili, iba iba ang sinasabi at nakikita ng mga tao sa kanila. Mahirap magsabi ng isang bagay sa sarili kung hindi naman sasang-ayon ang ibang tao, mapapahiya ka lang.

Sa pagtatapos, mahirap mag-sabi kung anu ako pagkatapos ko ng college, hindi natin alam baka bigla nalang ako maging abu sayaf! o maging assasin ni Gloria Arroyo. o ninja. Maraming daan na puwedeng tahakin pero pag dating sa crossroads, nasa sa iyo na lang kung anung klaseng panghuhula ang gagamitin mo. (ini-mini-mai-ni-mo)

Saturday, October 17, 2009

ADRANTS vol. 4: Tiffany Break

Bagyo, bagyo, puro nalang bagyo! Alam kong namiss nyo ko, kaya heto ako, magrereklamo nanaman tungkol sa pangit na commercial!

Kung nanonood kayo ng ETC o iba pang mga channel na pag-aari ng Solar, malamang nakita nyo na ang WTF na commercial ng Tiffany Break.

Ang istorya ng commercial ay tungkol sa mag-syotang high school na magka-holding hands, may pa-sway-sway pa. Ang babae ay kung ano-ano ang sinasabi, basta parang chismis lang. Ung lalake parang iritang irita na. Habang naglalakad pala sila tinitignan sila ng lahat ng tao sa campus.

Tapos biglang binitawan ng lalake ung kamay ng babae, sabay sabi "Mag-Break muna tayo!" Sabay reklamo nanaman si babaeng madaldal, sabay subo ng Break na chocolate ni lalake.

At syempre may chocolate sequence kung saan nakasubo sa babae ang chocolate, tapos may pa-swirl-swirl na chocolate sa background. Hindi ko alam kung bakit ang dami-daming gumagamit ng ganito. Wala na ba kayong ibang maisip?

Anyway, bakit nga ba sya panget? Una, ang panget ng post-prod, kung meron man. Mukang panget din ang lighting. Malabo ang recording ng boses. At ang papanget ng mga talent. Wala kang maiintindihan sa commercial kundi "mag-break na muna tayo". Eh nakakairita pa naman ung boses ng babae. Mapagtiyatiyagaan ko naman ang madaldal na babae kung hot siya e, kaso hindi.

Pangalawa, ano ba namang klaseng storya yan? Parang elementary ang nag-isip! I imagine na ang inisip lang nila ay ang linyang "mag-break na muna tayo", tapos inisip nalang nila kung saang sitwasyon sya bagay. Sa totoo lang, kahit saan naman pwede mo ipasok yan eh. Pero mukang wala na silang maisip talaga. Akala siguro nila napaka-clever ng linyang naisip nila.

Pero sa totoo lang, yan ang pangatlo. Ang panget naman ng pangalan ng product! Tiffany Break. Ginoogle ko sya, pangalan sya ng tao. So para kang kakain ng tao pag kumain ka nito. Tapos, kung titignan mo, isa lang syang imitation ng Kit-Kat. At mukang nakuha lang nila ang pangalan sa tagline ng Kit-Kat na "Have a break. Have a Kit-Kat. WTF diba? Ang bobo! Kokopya na nga lang, halatang-halata pa. Eh pano kung Tinagalog mo ang tagline ng Kit-Kat? "Mag-break muna tayo". Ang saya-saya diba?

Ang bobo ng gumawa ng commercial na to. Grabe. Ang panget na nga ng idea, wala pa syang production value. So ano? Gusto mo din ba mag-Break?

Tuesday, September 29, 2009

Baha na may Bobo pa.... tsk tsk tsk


Isa pang chicken joy!?



President Gloria Macapagal Arroyo used P800-million emergency fund for foreign trips
By Jess Diaz (The Philippine Star) Updated August 15, 2009 12:00 AM

MANILA, Philippines - President Arroyo used up the government’s P800-million contingency fund for emergencies like calamities for her frequent foreign trips, Bukidnon Rep. Teofisto Guingona III revealed yesterday.

“She exhausted not only MalacaƱang’s travel funds but also the P800-million appropriation for emergencies in the 2008 national budget,” he told radio station dzMM.

He said he based his revelation on a Commission on Audit (COA) report submitted to Speaker Prospero Nograles this week.

“I have a copy of the report. An assistant commissioner of COA even briefed us on their shocking findings,” he said.

Guingona said the COA findings show that the 2008 contingency fund was not enough for foreign travels and Mrs. Arroyo had to augment it by P120 million.

And blah blah blah blah..... Wala na akong gana basahin yung natitirang mga paragraph... I guess yung mga naunang sinabi sa taas, ok na yun. Hay... Ang laki nung travel budget niya, tapos nawala pa yung 800Million para sa emergencies. POTANESCA!!!! Wala ako masabi!!! Nagulat nalang nung narinig ko yung balita tungkol dito. 800 million pesos. Kung 1Milyon man ang isang lifeboat, makakabili ka pa rin ng 800 na lifeboats para makasagip ng mga tao sa Maynila. Hindi ko alam bakit sobrang bobo at makasarili ng administrasyong Arroyo.... Hindi porket pangulo ka magagawa mo kunin ang pera ng mga Pilipino at iwaldas toh sa pansarili mong ginhawa. Hindi ka nga dapat kumakain sa mga turo turo at sa mga carinderia, pero POTA naman wag ka naman sa gintong kainan. Maraming nagugutom sa Pilipinas, hindi mo pinaghirapan ang pera na ginagamit mo, pinaghirapan yan ng mga Pilipino na dapat pinagsisilbihan mo. ,,l,, isang malaking ganyan ang makukuha mo galing sa akin. Akala ko anak mo at asawa mo lang yung bobo kasama ka rin pala. Wag ka na tumakbo bilang kahit anung government official. Hindi bagay! Nakakahiya ka!!! Tapos papalimos mo gobyerno mo sa ibang bansa!! BALIW KA!!! Bruha!!!

Crocodile sa Pasig (hindi sa pasig river)

Nakikita niyo ba yung crocodile.

Got this from my friend. ( Thanks Darene for the picture ). It was confirmed earlier that several crocodiles escaped from Pasig Nature Park courtesy of their hero Bagyong Ondoy. Better start wearing those expensive crocs. Kundi kakainin ka nila. Lagot ka!

But don't worry if you ain't got any effin crocs, news says that all crocodiles are now back behind bars. Magaling! Magandang Balita! Now, people living in Pasig can start not minding the crocodiles and start helping others.

Sayang, kung napatay lang sila bago sila nakulong uli, laman tiyan na para sa mga nasalanta at sapatos at leather jacket na sa iba.

Anywho, goodwork Pasig Nature Park for bringing them back to safety and bringing the citizens of Pasig to safety too.

Panday becomes Surfer Dude to save lives

Surfing to save lives... Isang magarbong palakpakan kay Jericho Rosales!!! on Twitpic

Jericho Rosales surfing to save lives trying to fight Bagyong Ondoy! Isang magarbong palakpakan para sa Panday!

Monday, September 28, 2009

Philippine man loses own life after saving dozens from floods

September 28, 2009 - 2:28PM

http://www.theage.com.au/world/philippine-man-loses-own-life-after-saving-dozens-from-floods-20090928-g8o4.html

An 18-year-old construction worker braved rampaging floods in the Philippines to save more than 30 people, but ended up sacrificing his life in a last trip to rescue a baby girl and her mother who were being swept away on a styrofoam box.

Family members and people who Muelmar Magallanes saved have hailed the young man a hero, as his body lay in a coffin at a makeshift evacuation centre near their destroyed Manila riverside village.

"I am going to be forever grateful to Muelmar," said Menchie Penalosa, the mother of the six-month-old girl whom he carried to safety before being swept away himself. "He gave his life for my baby. I will never forget his sacrifice."

Mr Magallanes was at home on Saturday with his family when tropical storm Ketsana unleashed the heaviest rains in more than 40 years on the Philippine capital and surrounding areas.

At first the family, long used to heavy rains, paid little attention to the storm.

But Mr Magallanes and his father quickly decided to evacuate the family once they realised the river 800 metres away had burst its banks.

With the help of an older brother, Mr Magallanes tied a string around his waist and attached it one-by-one to his three younger siblings, whom he took to higher ground. Then he came back for his parents.

But Mr Magallanes, a strong swimmer, decided to go back for neighbours trapped on rooftops.

He ended up making many trips, and eventually saved more than 30 people from drowning, witnesses and survivors said.

Tired and shivering, Mr Magallanes was back on higher ground with his family when he heard Ms Penalosa screaming as she and her baby were being swept away on the polystyrene box they were using in an attempt to cross the swift currents.

He dived back in after the mother and daughter, who were already a few metres away and bobbing precariously among the debris floating on the brown water.

"I didn't know that the current was so strong. In an instant, I was under water. We were going to die," said Ms Penalosa, her eyes welling with tears and voice choking with emotion.

"Then this man came from nowhere and grabbed us. He took us to where the other neighbours were, and then he was gone," Ms Penalosa said.

Ms Penalosa and other witnesses said an exhausted Mr Magallanes was simply washed away amid the torrent of water.

Neighbours found his body on Sunday, along with 28 others who perished amid Manila's epic flooding. The official death toll stands at 100 with 32 missing.

Standing next to his coffin, Mr Magallanes' parents paid tribute to their son.

"He always had a good heart," said his father, Samuel.

"We had already been saved. But he decided to go back one last time for the girl."

His mother, Maria Luz, wept as she described her son as incredibly brave.

"He saved so many people, but ended up not being able to save himself."

AFP

Muelmar Magallanes... We salute you!!! Say hi to God for me.
While he was saving people, the first gentleman was buying liquor.
I am hoping for a new era of politicians in 2010.
TrapoS can all die and burn in hell.

For Ondoy - ,,l,,

Tampisaw Kasama ang Unos, starring Gerald Anderson



Saw these pics on facebook, Gerald Anderson checking up on his neighbors. Saludo kami sayo!

Sunday, September 27, 2009

Si Ondoy...















Ondoy sa Dlsu.... Yung ibang images sa ibang lugar masmasakit tingnan... Cars were floating everywhere.... Para bang end of the world na... Where is Noah's ark when you need it.... I guess this happens when everyone just throws their trash anywhere, and people we elect does not even care.

Si Bagyong Ondoy (International name: Ketsana). ,,l,, eto ang sayo!!!

Marami na akong nadaanang bagyo simula pagkabata ko. May mag signal number 3 at 4, may mga nakapagpatumba ng billboard at ng puno ng mangga namin. Pero si Ondoy.... wala akong masabi sa kanya. Inipon niya ang katumbas raw sa isang buwan na pag-ulan tapos binuhos niya sa Metro Manila at mga karatig nitong lalawigan o lungsod.

Halos buong Metro Manila lubog sa tubig, at hindi lang ang mga taong below at nasa poverty level ang naapektuhan, pati ang mga taong may kaya ay naramdaman ang galit ni Ondoy. Karamihan sa aking kaibigan ay pinasok ng malamig at maduming tubig, marami ang nag-akyat ng gamit, at marami ang nastranded. May mga natulog nalang sa eskwelahan o sa gas station. Si Christine Reyes nga raw 12 hours sa bubong eh. Yayakapin ko sana siya kung andun ako. hihihi :|

Sa mga nangangarap maging presidente, step-up! So far si Gibo palang nakikita kong umaaksyon sa inyo. Philippine Navy, seryoso ba kayo 13 lang yung mga rubber boats niyo? Tama na kurakot, bumili naman kayo ng emergency equipments.

Para sa mga nasalanta at naging biktima ni Ondoy, makaasa kayo sa panalangin ko. Sa mga namatayan. Nakikiramay mo ang staff ng The Jeff and Slow show... ( si Jeff at ako )...

Sana lang makatulong ako kahit papano sa kahit sino sa kahit anung paraan.

Friday, September 25, 2009

Glee...



First, when they said that I should watch Glee, I hesitated. I did not really know what it was all about and I really do not know what to expect from it. They said it was supposedly to be like a musical series, so I thought... GAYNESS... HighSchoolMusicalStuff with Zach Efron Sucks! And I did not want to be hassled downloading it, and filling up the space of my laptop's hard drive.

After a while, people started posting how Glee rocks, on their facebook, on their twitters, everywhere; but still, I hesitated. I've been watching How I Met Your Mother, Entourage, Leverage, Mad Men, and from time to time Heroes and they all rock. I enjoyed everyone of them and I don't even care if my hard drive gets filled up by these, I'd rather erase my collection of music albums than delete episodes these tv shows.

Let's get back to Glee, somehow, I downloaded the first 4 episodes, and guess what, it does not just rocks, it kicks ass! The pilot episode was great and the following episodes were even better. The difference between Glee and the other tv shows that I have been watching is it talks about life. It talks about being a loser, and how everyone is a loser and how everyone overcomes it by doing what they can and not regretting doing it, having self-confidence, going out of your comfort zone and being what you want, being different, not giving up and stuff like that. Basically everyone can relate to it. Everyone, even the most popular kid can sometimes feel that he or she is the loser.

Download it, it's worth the wait.

Si Taylor Swift ng buhay ko.... hay...















K
ilala niyo ba si Taylor Swift? Kung hindi pumunta na kayo ng youtube at isearch niyo siya! Dali ngayon na! Wala na akong paki kung country singer siya at kung anu man ang nakaraan niya, kung sino man ang naging boyprend niya o kung sino man ang nakabengbangerz niya, MAHAL ko na siya. Sana lang mahalin niya rin ako pabalik kapag nagkakilala na kami.

Ang HoT niya! Yun nalang. Kung bading ako, naging lalake na ako dahil sa kanya. Potanesca mo Kanye sa pagpapahiya sa kanya! Hindi ginaganyan ang isang babae tulad niya. Sana si Bebe Gandanghari nalang ginanun mo! Mga 'babaeng' katulad niya, yun yung mga tipong binabastos at inaasar ng "BADING KA! BADING KA!" tapos nilulub sa inodoro hangang masuffocate siya!

Anywho, si Taylor Swift ay isang diyosa. Hindi ko maintindihan anu trip ni Joe Jonas bakit siya nakipagbreak sa kanya, pero bro, nagsisisi ka na ba? Nakipagbreak ka sa isang 27 seconds phone call? Eh kung hindi ka ba naman bading! Habang lahat ng lalake sa buong mundo naiinlab sa kanya, ikaw nanuod ka nalang ngayon sa kanya at kinakausap ang kanang kamay mo. Daym! Pare, your loss at gain naman ng lahat ng lalake sa buong mundo! Wooooooooh!!!!

Taylor if you're reading this, We Belong Together, Let's make a Love Story and then I'll ride you like a White Horse. .... mali mali... We'll ride in a White Horse pala....

Wednesday, September 23, 2009

The Buffer Bros



"Let's Get Ready to Rumblllleeee..." Man at ang The Veteran Voice of the Octagon, ang dalawang pinakamalupet na lalake sa buong mundo. Half brothers pala sila!

Si Bruce Anthony Buffer na announcer ng mga laban sa UFC at si Michael Buffer sa prowrestling at mga laban ni Pacman. (Malamang laban lang naman ni Pacman yung pinapanuod ng mga pinoy.) Nauna naman atang sumikat si Michael kay bruce, at mukha namang mas pogi si Michael.


Unang sumabak si Michael sa pagaanounce ng laban para kay Bob Arum na isang promotor ng suntukan. Tapos sumikat sya nung sinasabi na niya yung "LET'S GET READY TO RUMBBBLEEE!". Parang wala ng ibang pupuwedeng paraan sa pag sabi nung linya na yun except katulad ng pagsabi ni Michael, mababa ang tono at malalim ang pagsabi. Sikat na sikat yun lalo na sa mga bata dati na mahilig panuorin si Undertaker habang tinotombstone niya si Shawn Michaels! Hinihintay nalang siya lumabas bago yung 30 man over the top rope para sa number 1 contendership ng WWF heavyweight championship pag new year! At paghawak na niya yung mic! Sure yan tayuan na mga bata kung sino una lalabas galing sa backstage. Cool siya! Dapat nasa Tunay na Lalake siya.

Eh hindi naman pahuhuli ang brodhhha niya from another modhaaa. Si Bruce naman ang The Veteran Voice of the Octagon. Tigas siya dahil hindi pambading na pekeng wrestling ang inaanounce niya. Mga tigasing mga manong ang nagsasapakan nagsisipaan at nagyayakapan ang inaanounce niya. Hilig niyang isigaw ang "LIVE!!!!!", "OUR MAIN EVENT FOR THIS EVENING!!!!" at "IT'S TIMMMMME!!!". Tapus iikot siya habang pinapakilala ang dalawang manong na ready na magsasapakan at maglalasahan ng kanilang sariling dugo. DAYYYMMNN!!!

Si Bruce at si Michael ay presidente at CEO sa sarili nilang kumpanya na ang pangalan ay "The Buffer Partnership". Cool sila. Ang malupet apo sila ng isang Johnny Buff na ayon sa wikipedia (Ang pinaka asitg at pinakacool na website sa buong universe!) ay isang dating boxer.

http://en.wikipedia.org/wiki/Bruce_Buffer
http://en.wikipedia.org/wiki/Michael_Buffer

Tuesday, September 15, 2009

Natalo pa sa NU....

Una sa lahat... pasensya sa pagmamaliit ko sa National University sa nakaraang post ko...

Noong September 10, 2009, natalo ang Green Archers sa NU Bulldogs sa score na 63 to 61 para gawing imposible ang pagpasok ng Green Archers sa Final Four. At akala ko sure win pa ang Green Archers sa NU. Maling Akala...

Walang La Salle sa Final Four.... First time sa 11 years sa ilalim ni Coach Franz na hindi makapapasok ang La Salle sa Final Four.... at first time in 14 years na hindi makakapasok La Salle sa semis.... Hay.... Ang hilig talagang magupset ng ibang koponan ang NU, two season ago, Ateneo naman ang pinahiya nila sa overtime win na may score na 96-88, para matanggal sila sa number 2 spot na may twice to beat advantage.

Anyway, six years na since huling natalo ng Bulldogs ang Green Archers sa score na 80 to 59... TAMBAK pa.... goodness gracious....

Huling beses na raw hahakawan ni Coach Franz ang Green Archers ngayong taon dahil tatakbo siyang congressman sa Quezon City.

Bawi nalang next year.

http://www8.gmanews.tv/story/172000/nu-spoils-la-salles-final-4-bid-escapes-with-63-61-win
http://pinoyteens.net/nu-bulldogs-upset-la-salle-faithfuls/3422/

Saturday, September 12, 2009

UTANG NA LOOB!!!!











May TV show sa GMA yung kay anjo tska kay eugene domingo, cool center yung name ng show, eto yung nangyari sa isang segment na Hubad Na Katotohonan ganito yung unang question na sobrang tawang tawa ako.... eto ang pangyayari.....



Anjo: Totoo bang may love life si Bebe Gandanghari?

Audience: HINDI HINDI HINDI TOTOO!!!!!

Isang Kumag na Lalake sa audience: UTANG NA LOOB!!! HINDI TOTOO!!!!!!! UTANG NA LOOB!!!

Anjo : Totoo....

Yung Kumag na Lalake sa audience: UTANG NA LOOB!!!

sa segment na yon maghuhubad si eugene domingo ng isang damit kung totoo yung sagot, pero d ko alam kung ayaw lang nung lalaki maghubad si eugene domingo pero, utang na loob, baka ayaw lang niya magkalove life si Bebe Gandang Hari.... UTANG NA LOOB KUNG SINO MAN YUNG LALAKE NI BEBE... WAG MO SIRAIN YUNG BUHAY MO.... UTANG LOOB....

Saturday, September 5, 2009

ADRANTS vol. 2: Luky Me! Lomi



Here's another food commercial which makes me scratch my head. And it's from Jimenez Basic as well. I have no idea why, but I don't really like the way Derek Ramsey eats. Even on the Nesvita commercial I was disturbed when I saw him lick his lips. I guess this is also the case in his new commercial for Lucky Me! Instant Lomi. In this commercial, he looks angry as ever, but for some reason he says that what he's eating is good. Then he continues on to slurp the noodles and groan in ecstasy. It's... haunting. I don't know what people who actually find the actor attractive think of this commercial, but something in me just doesn't see him fit to endorse food.

ADRANTS vol. 1: Greenwich





Alright, so maybe I don't have much of a problem with the commercial itself. Honestly it is kinda funny. But I do think that the premise of food targeted to men, with the label "for men" is a bit... off. First of all, why would Greenwich want to limit the market of their product? By slapping the "for men" label on their pizza, women would be put off from ordering them. Men on the other hand, well... I'm not really sure how I would react to that. I don't think gender-specific food in general is appealing. I mean, it's not like a feminine product like shampoo or lotion which men wouldn't normally buy unless it stated specifically that it's for men (hello, Clear and Nivea). It's meat. Men are normally attracted to that. Err... That sounded wrong. Anyway, the fact that they added the "for men" label made it sound like their other pizzas are girly, and that the pizzas for men are trying too hard. Manly men don't need to announce that they're manly. You just know it. Seeing as Greenwich took the liberty of writing it in red block letters with a black background just proves that this is actually un-manly.

Friday, September 4, 2009

Noong Frosh at ngayong Senior na!

Yo hommies! ONE MONTH na ang The Jeff and Winslow Show at dahil patok na patok ang post ko na Noong High School at Ngayong College na. Gagawa ako ng La Salle version na Noong Frosh at Ngayong Senior na.. :)

1. Noong Frosh : "Tara guys! Sali tayo Santugon or Tapat."
Ngayong Senior na : "Tara guys! Inom! GP? Sherwood? UM? Kahit saan! INOM!"

2. Noong Frosh: Lahat friendly sa isa't isa. Wala pang issue. Mabait lahat.
Ngayong Senior na : Ayan na! Bakstaban to the max!

3. Noong Frosh : First day high ang uso!
Ngayong Senior na : I got a feeeeling! That tonyts gonna be a goooodnight! P-p-party everyday!

4. Noong Frosh : D-L-S-U! Animo LaSalle!
Ngyaong Senior na : POTANGINA! GALINGAN NIYO! sabay kamot ulo..... hay.... yosi muna tayo... wala na toh.... (1st quarter palang...)

5. Noong Frosh : "Pila tayo! Bili tayo ticket nood tayo game, LaSalle Ateneo!"
Ngyaong Senior na : "La Salle Ateneo raw! TV nalang... sayang pera kung manood tayo.... NU vs LaSalle bili tayo kasi SURE win!"

6. Noong Frosh : "Pare, ilang units ka this term?"
Ngayong Senior na : "Pare, saan ka lumipat? Sa NU?"

7. Noong Frosh : "Pare, ilang terms course mo?"
Ngayong Senior na : " Pare, anong ok na vocational course?"

8 Noong Frosh : "Uy guys!!!! Nag pa grad pic na kayo?"
Ngayong Senior na : "Uy guys.... lumabas yung mugshot ko sa tv ah... nakita niyo?"

10. Noong Frosh : "Hi guys, I'm Winslow :)
Ngayong Senior na : "Hi guys, you know me naman d ba?" YABANG!

11. Noong Frosh : "Pare nakuha mo yung eaf mo?"
Ngayong Senior na : "Nagpadala na ba ng letter sa bahay mo kung ilang units ka nalang?" (PATAY KANG BATA KA!)

12. Noong Frosh : " Mcdo tayo kain!"
Ngayong Senior na : "Agno nalang... wala ako pera e..."

13. Noong Frosh : "Madali lang naman toh eh!"
Ngayong Senior na: "Shet isa pang term immortal na ako.... 2 units nalang sipa na ako... shit!"

14. Noong Frosh : "Masama magyosi!"
Ngayong Senior na : "Tara YB muna,, Stresss..."

15. Noong Frosh : "Mommy! Daddy! DL ako!"
Ngayong Senior na : "Mommy! Daddy! May baby na ako!" Are you proud of me !( Anak ng! )

para sa mga blockmates, batchmates, higher batch na friends ko.... GOOOODLUCK!
ONE MONTH NA KAMI! thank you sa mga patuloy na nagbabasa ng The Jeff and Winslow Show!

Wednesday, September 2, 2009

EH GAGO KA PALA EH!

Nakakagalit si Mikey Arroyo sa isang interview sa kanya ni Igan at ni Mareng Winnie. Hindi ko alam kung napanud mo na yun habang binabasa mo toh, kung may nagbabasa man nito.... (Sana meron... :( ). Kung hindi mo pa napapanood, http://www.youtube.com/watch?v=4q0JKzpjh_o eto ang link sa paborito nating streaming site na YOUTUBE. Salamat youtube. Salamat Internet.

Sige simulan natin ang talakayan, EH GAGO pala toh si Mikey Arroyo eh! Hindi porket nagluluklok ang Pilipino ng mga action star sa gobyerno eh puwede na rin siyang magsinungaling sa media! Eh tarantado ka pala eh! ACTION STAR KA NGA PALA! Tinatarantado mo kami!! Nung 2002, 5 Million lang yung net worth mo tapos nung 2005 naging 76 Million! MALAKING POTANESKA! Tapos sasabihin mo nagkamali ka nung 2002 tapos inayos mo sa 2005. Sabihin natin na nagkamali ka nga talaga, yung mali mo worth 71 Million! POTA kung hindi ka ba naman TARANTADO! MAHIYA KA PARE! Nanay mo ekonomista! Tatay mo Abugado! IKAW BOBO! Tangina pa yung ngiti mo nakakabadtrip! KUNG HINDI KA SANAY! MAGPATURO KA! BUMALIK KA NG COLLEGE! Mga Pilipino sa Pampanga parang awa niyo na wag niyo ng iboto yang BOBO na yan! Pati mga lawyers niya ata BOBO eh!

At saan galing ang pera mo? Sa KASAL! REGALO RAW! KAMPANYA! MGA TUMULONG RAW! 71 Million yan pare! Potaneskang Regalo yan! Potaneskang Tulong yan! NakakaBobo ka! Anak ka ng Demonyo! LecheFlan!

Eto naman ang sabi ng GAGONG anak ng ating presidente sa naunang interbiew sa kanya nung kumain sa mamahalin na resto ang presidente at ang mga kasama nuong bumisita sa USA, "Do you want your president to eat in Mcdonalds or some turo-turo?" Pakmyas Mikey! at GMA! Wala na tayong pera! Hindi ba't tinaasan mo ang tax para makabayad ng utang? Bakit ngayon kumakain ka sa mahal na mga resto! LecheFlan! Kainin ninyo tae ko! MGA GAGO!

hay... ok sana dito sa Pilipinas eh... Pasensya nalang tayo may mga Gago, Bobo, Tarantado tayong mga politiko.... Nakakagalit....

Wednesday, August 26, 2009

Magyayabang Ako

Ayon sa http://pinoytopsites.net/ ang dlsu.edu.ph (The official website ng School ko!) ay nasa 22nd place sa lahat ng website na gawa ng Pilipino. Ang nakakagulat ay sa Top 50 ng listahan dalawang website ng school lang ang makikita, isa na ang dlsu.edu.ph at ang isa naman ay ang upd.edu.ph. (walang ateneo... Bleh :p).

Hindi ko maintindihan kung paano nila ito nirarank. Number 22 ang dlsu.edu.ph sa 3mos.ave kung anu man yun, 3 months average ba? hindi ko alam. Kung bibisitahin niyo yung site pataas yung number..... So hindi ko talaga maintindhan. Number 1 ang inquirer.net, sumusunod naman ang philstar.net at ebay.ph. Sumusunod naman ang mga gaming sites tulad ng levelupgames.com.ph at iba pa. Nasa top 10 rin ang abs-cbn.com at mercedez-benz.com.ph. (Mahilig pa pala ang mga Pilipino sa mercedez benz.)

May theory ako sa mga nabanggit sa taas. Sa top 10 ng mga sites na yan number 1 at 2 ang dalawang pinakamalaking pahayagan sa bansa, malamang ay ang mga OFW o mga Pinoy sa ibang bansa ang mga pumpunta dito. Ang mga sumusunod, simula number 4 hanggang 8 ay puro gaming website, kabataan naman ang mga pumunta dito. Ang abs-cbn naman ay tumatarget sa mga OFW at mga pinoy na nasa ibang bansa sa pamamagitan ng TFC, dahil dito nasa top 10 rin sila, ang mercedez-benz naman ay sa mga matatandang executives na may pera. Malaking porsyento ng mga OFW ay gumagamit ng internet para makibalita sa nangyayari sa Pilipinas dahil wala silang inquirer at philstar dun. At dahil madalas manood ng TFC tumitingin rin sila ng ABSCBN website. Dahil Masa ang bulk ng ating bansa, either hindi sila gaano gumagamit ng internet, o kundi naman ay sa banyagang site sila pumpunta.

Wala lang yan shinare ko lang yung iniisip ko.... Wala pa rin ang website ng ateneo sa top50 pinoy top sites. Bleh :P

(Pagsinort mo ang ranking by college/university number 1 ang la salle... number 9 ang ateneo)

ANIMO LA SALLE!!!

Wednesday, August 19, 2009

Sino Si Chuck Taylor?

Ang sikat na sikat na sikat na sapatos na in na in na in ngayon na Chuck Taylor na gawa ng Converse. Kahit saan ka tumingin ngayon, mapa-babae, mapa-lalake, mapa-badingerZ, mapa-jologs o cool, mapa-artista, mapa-politiko, mapa-politisa (politiko na artista), mapa-tindero, studyante, o macho dancer, lahat naka Chuck Taylor. At ang mga mauutak na tao, ginaya ang style ng Chuck Taylor, may mga lumabas na mga peke o imitation sa mga tiangge, at kahit na sa mga maliit na mall. Pero kailan ba talaga nauso ang tinatawag nilang "chucks" o "chux"? At sino naman si Chuck Taylor?

Ayon sa hit na hit na website sa internet na Wikipedia, ang Chuck Taylor ay nauso bilang isang basketball shoes nuong 1917. (Aba! 8 years nalang 100 years na ang Chuck Taylor!) Ang unang tawag dito ay The Converse All-Star Shoes, si Charles Hollis "Chuck" Taylor na isang Amerikanong basketbolista, isinuot niya ito nung high school player pa siya. (Siguro ang pogi niya nun dahil siya lang ang naka-chucks nun sa buong gym.)

At alam niyo ba mga bata, si Chuck ay pumunta sa office ng converse para magtrabaho, sa kabutihang palad tinanggap siya doon. Madali pa ata maghanap ng trabaho noon dahil lahat ng masmagaling sayo ay nasa giyera. Ayon pa sa Wikipedia, kahit hindi pa nakapangalan ang sapatos kay Chuck Taylor sikat na siya sa mga larangan ng basketball.

Kaya naman mga bata, ipinangalan kay Chuck ang sapatos dahil may idea siyang gandahan ang pagkagawa ng The Converse All-Star Shoes, ginawa niya itong mas flexible at mas nakakapagpasupport ng ankle, dahil nga ito ay ginagamit pang basketball. (Ngayon, subukan mong magbasketball ng naka-chuck taylor, tingnan natin kung hindi ka ma-isprain, o magkaroon ng mga blisters sa talampakan.)

Hindi nagtatapos ang kwentong sapatos na eto, sumikat pa lalo si Chuck nang ginamit ng mga GI JOES ang kanyang sapatos laban sa Cobra Army. (Charing!) Pero seriously speaking, naging official sneakers ito ng mga Amerkanong bumabanat sa mga Hapon nuong panahon ng giyera.

Ayan mga bata, kilala niyo na si Chuck Taylor, alam niyo na rin ang kuwento niya.

Eh si Jack Purcell kilala niyo? Abangan.....

Saturday, August 15, 2009

Pagmumura sa Ingles at Tagalog

Bakit ang unfair ng mundo? Sa wikang Ingles, pwede mong gawing mura ang kahit anong sentence. Lalagyan mo lang ng "fuck" sa gitna ng mga salita. Katulad ng "I love you so fucking much" o "Your report was so fucking boring". Sa Tagalog naman, mahirap singitan ng mura ang mga sentence. Katulad ng "Bakit ang panget mo?" Hindi mo pwedeng singitan ng "putangina" ang ganyang pangungusap. "Bakit putangina ang panget mo?" Parang mali. "Bakit ang panget putangina mo?" Nako, maslalong mali. Ang fuck, kahit saan pwede mong isingit dahil marami syang variants, katulad ng fucking, fucker, fucked, etc. Ang putangina, pwede mo lang lagyan ng "NG" sa dulo, at lagyan ng direct object, katulad ng "putanginang araw to!" Pwede siguro sya ilagay sa unahan ng bawat pangungusap, katulad ng "putangina, ang laki naman ng peklat mo!" at ilagay sya bago ang salitang peklat (ang laki naman ng putanginang peklat mo) pero hindi pa rin katulad ng fuck na kahit saan pwede mong isingit (what the fuck is the fucking matter with that fucker?)

Diba ang unfair?

Ang mga Anime nung Bata ako. Weeee :D

Sikat na sikat ang mga anime (cartoons na made in Japan) dito sa Pinas, lalo na noong grade school, hindi puwdeng kumain ng dinner hanggang hindi ko napapanuod sina Goku, Recca, at ang legend na si Eugene.

Kahit loser na ngayon ang ibang cartoons, at kung nanonood ka ng mga anime ngayon ay isip bata ka na sa iba, cool ka pa rin kung nakilala mo pa rin ang mga tao na binanggit sa taas. Siga ka kung niraray gun mo ang puwet mga tao, lufet mo kung memorize mo ang pangalan ng mga dragon ni Recca, cool pag naglalaro kayo sa canteen ng dragonball (CHARGE!), at madaya ka kung reflect ka lang ng reflect sa larong ito, at ikaw ang coolest kung magaling ka mag jak n poy, dahil kaw lagi ang King sa king queen jack na isang version nito.

Hindi ko alam kung sikat rin ba sa mga babae ang mga cartoons na toh, pero sa mga lalake, COOL ang mga ito. Noong bata ako, nauso ang "orbit hairstyle" dahil ata kay Eugene. (Pansinin ang buhok niya.) Nakuha namin kay Goku ang pagpapakulay ng buhok. At dahil kay Recca, gusto ko nuon magpatatoo. (Feel ko may lalabas na dragon sa kamay ko.)

Kung may cable kayo nung kasikatan ng mga anime, malamang pinanud mo rin ang Cooking Master Boy (yung may umiilaw na pagkain tapos sobrang sarap raw ng pagkain na niluluto niya), Grander Mushashi (hindi ito yung game na samurai-samurai, ito yung anime na may bata na sobrang galing mangisda. COOL.), at Power Stone (nakalimutan ko na yung mga details ng palabas na ito pero alam ko sinubaybayan ko rin ito e.)

Ngayon ang rami ng COOL na anime tulad ng Naruto (gusto ko maging ninja), ang bano lang nga abs-cbn kasi sobrang late nila magpalabas ng mga bagong episode.

FYI: Hindi na uso ang anime, series na ang uso.

Mga katanungan:
1. Sino si Jak at Poy?
2. Ilan ba dapat ang charge bago ka puwede maging Super Sayen?
3. San ipepetition ang pagban ng paggamit ng reflect sa paglaro ng Manu-Mano Dragonball?
4. Bakla ba si Dennis sa Ghost Fighter?
5. Eh si Tuxedo Mask bakla ba siya? At bakit tumutusok yung rosas niya sa simento?
6. Kaya mo pa ba ienumerate ang mga dragon ni Recca?
7. TAGURO TAGURO TAGURO TAGURO! Bakit yung kapatid niya nakakapit lagi sa likod niya parang backpack?

Saturday, August 8, 2009

Noong High School at Ngayong College

1. Noong High School - Nababadtrip ka sa mga teacher na marunong magturo at may tinuturo na may katuturan, lalo na yung maaga pumasok sa classroom.

Ngayong College - Nababadtrip ka na sa mga propesor na hindi nagtuturo o kung meron man, bano siya magturo at parang wala ka pa ring naiintindihan, at yung mga hindi pumapasok. (FREE CUT!!! na un-announce, PUMASOK KA PA!)

2. Noong High School - Malaki na ang 100 pesos na baon kada araw at masaya ka na sa french fries at jungle juice sa canteen.

Ngayong College - Ang 100 ay kulang pa pang-bisyo sa isang araw.

3. Noong High School - Ang dali lang manligaw, dadalhin mo lang yung bag niya, aabangan mo sa gate pag pasukan, ihahatid mo sa sundo niya pagdismissal, bubuhatin mo yung lunch box niya, at ililibre mo ng french fries, jungle juice o coke sakto, after 1 week, sure ball kayo na!

Ngayong College - Kailangan may kotse ka na, dapat astig ka, hindi ka puwedeng sobrang talino o sobrang patapon. Kailangan mo na rin magpractice na hindi maglunch para makaipon para sa date. Ang french fries, jungle juice at coke sakto ay walang dagdag pogi points pero kailangan mo pa ibili siya ng mga ito. (Hirap ng buhay....)

4. Noong High School - Hirap na hirap ka sa mga inaaral mo. Kung patapon ka noong high school, hirap na hirap ka mag-cut dahil tumatawag sa bahay ang school.

Ngayong College - Gusto mo ng bumalik sa high school kasi mas madali ang buhay estudyante noon. Kung patapon ka naman, masaya ka kasi puwede ka mag-cut ng kahit anung subject, patay ka lang nga pagbumagsak ka!

5. Noong High School - Cool ka pag varsity ka ng basketball.

Ngayong College - Cool ka pa rin pag varsity ka ng basketball o kung anu mang sport, pero cool na rin kung may poster ka sa school dahil nerd ka!

6. Noong High School - Uso ang may poster ng basketball player, artista, o lyrics ng kanta sa mga notebook at libro. Cool yon!

Ngayong College - Jologs ka na pag-ganyan pa rin itsura ng notebook at libro mo.

7. Noong High School - Cool ka pag bad boy ka!

Ngayong College - Pag bad boy ka, patay ka sa D.O. :(

8. Noong High School - Nakakahiya tumae sa school.

Ngayong College - Sige lang. Mas maganda pa banyo nila dito kesa sa bahay.

9. Noong High School - "Gusto ko na magcollege, excited na ako!"

Ngayong College - Kumakanta ka na ng "High school life o ang high school life..."

10. Noong High School - "Tay, Nay, bagsak ako."

Ngayong College - "Tay, Nay, si Jenny, girlprend ko, buntis siya. AKO ANG TATAY." (anak ng tipaklong!)

11. Noong High School - "Saan ka mag-college? Lasalle? Ateneo?"

Ngayong College - "Saan ka lilipat? Mag-aaral ka pa ba? Di ba buntis girlfriend mo?" (Patay tayo diyan.)

Friday, August 7, 2009

Overheard on the news vol. 1

Principal of a school principal in the CAMANAVA area, on the constant suspension of classes because of floods:

"pag nakalubog ang paa ng mga bata, delikado yan. Kasi mayroon tayong tinatawag na... ihi ng daga"

(if the students' feet are submerged in the flood, it can be dangerous... Because we have what we call... rats' urine)

Uhmmm... What else would you call rats' urine?

Thursday, August 6, 2009

Ang Gamit ng "ng" at "nang".

Ang "nang" ay katagang kasama ng pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon. Ang "nang" ay nagsisilbing pang-angkop sa pang-ugnay na panuring sa tinuturingan.

Halimbawa: Malakas na magsalita (paano nagsalita?) = nagsalita na malakas = nagsalita nang malakas

http://www.pinoyhenyo.com/Ano_ang_angkop_na_gamit_ng-20080724144707201.html

PUTANESACA! Ano naman ang pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon? Anu ibig sabahin ng "ay nagsisilibing pang-angkop sa pang-ugnay na panuring sa tinuturingan.". Masyadong redundant, sa lagay ng pag-gamit ng NANG at NG, feeling ko never ko na maiintindihan.

Ang pang-abay ay adverb. Tama ba? At ang pang-uri ay adjective? Nakakalito ang "ng" at "nang". Bakit namin kasi parehas ang pagbigkas ng dalawang salita na mag-kaiba ang gamit at ng spelling. (Sabaw na utak ko). Matagal tagal ko rin naisip ang pinagkaiba ng dalawa, kung nagagamit ba ang "nang", na minsan lang gamitin. Ang sabi sa akin ni Jeff (ang partner ko sa blog na ito), " Pag ng, parang "of" sa English. Pag nang, parang na na may ng.". Okay! Magulo pa rin. So ito ang example ni Jeffrey (Tunay niyang pangalan) "Pamantasan NG De La Salle" at para sa "nang" : "Nang mamatay si Cory.". Exciting ba nang example niya?

Sa makatuwid, hindi mo pa rin gagamitin ang "nang", "ng" pa rin ang masmadalas mong gagamitin kasi mas konti ang letters nito at masmabilis isulat at itype. Base sa nakuha kong impormasyon sa aking pananaliksik, mas gagamitin mo ang "nang" kung ito ay nasaunahan ng isang pangungusap, at ang "ng", palagi mo gagamitin kasi deins mo rin alam ang pagkakaiba. Kaya ako "ng" lagi ginagamit ko. Wala naman kasi pinag-iba kasi same ang pagbigkas.

Sana lang natuto akong makinig sa Filipino teacher ko nung grade school. Alam ko tinuro niya yan, pero tulad ng ibang estudyante, hindi ako nakinig. At bakit naman ako makikinig? Sa isip ko, tulad ng ibang estudyante, madali lang tandaan, na alam mo na yan, na haler "ng" at "nang" lang yan. Na papasa ka sa quiz pag tinanong kung anu ang pinakaiba. Problema, hindi mo aaralin at bobokya ka sa quiz mo.

Parang english lang yan e, mga "have", "has", "had", "have been", "has been" at "had been", lahat puwede sa sentence kaya malilito ka kung alin ang gagamitin. So ang produkto, bagsak ka rin sa quiz mo sa english. Putanesca! (is at are yung madali, pero pag "everyone", "everybody" , patay nanaman sa simpleng "is" at "are". Bokya again sa quiz.)

Sorry, pero hindi ko lang alam kung ako lang sa buong Pilipinas ang may dilemma sa paggamit ng "ng" at "nang". Kung nababasa mo tong sinusulat ko, maaring sabihin mo na, "Oo nga noh! Malabo ang "ng" at "nang". Maari mo ring sabihin na, "Oo nga noh, ang bobo nitong taong Winslow na toh". Syete!!

Bilang katapusan, ayaw ko na isipin anu ang pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon. Sumasakit lang ang ulo ko. Kahit i-english ko mahirap pa rin eh. Adverb of ways? At adverb of weather? Putanesca naman talaga!

Tuesday, August 4, 2009

Nakatikim Ka na ba ng Taeng Kape?

Civet, which belongs to the mongoose family - A nocturnal animal which uses its nose to choose the ripest and sweetest coffee cherries and relentlessly eats them during coffee season. Gathered very early in the morning usually before the sun rises, the forest dwellers climb the mountain and pick the civet droppings on the forest floors. On a good day, a gatherer can collect one kilo of civet droppings.

So, nakakain ka na ba ng tae... more importantly NAKAINOM KA NA BA NG TAE?? Sabi nila masarap raw tong coffee Alamid na sinasabi nila, galing sa tae ng isang klaseng mongoose... (ang mongoose ba ay isang mongoloid na goose?). Hindi ako magaling sa biology at chemistry o kung anu mang klaseng science ang ginagamit sa paggawa nitong kape, pero mahirap isipin na dinurog na tae ng isang hayop ang kape mo sa umaga, sawsawan ng skyflakes at pandesal mo. Hindi ka pa ba maeenergize sa lagay na toh? Ayon sa source ko, 500 pesos raw ang isang gram nito. Putanesca! Ang mahal! Ako nalang kakain ng coffee bean tapos itatae ko tapos ibrew niyo bayaran niyo nalang ako! Putanesca talaga!

Maganda ang adhikain ng kapeng alamid dito sa bansa natin, ayon sa http://www.arengga.com/, kung san ko nabasa ang mga information ko ngayon, mukhang rare na ang civet o Paradoxorus Philippinensis (wag mag-alala, hindi ito pera o bayong at hindi ako si Kuya Dick) sa ating bansa, kaya ngayon pinepreserve nila ito, ok rin ito dahil pinepreserve rin yung habitat nila na ang tawag sa ating mga taga-manila ay forest, at nabibigyan pa ng hanapbuhay ang mga forest dwellers (siguro tao sila at hindi mga unggoy).

Bumalik tayo sa kapeng gawa sa tae... hindi pa rin ako makagetover sa idea na ito. Isipin natin ang kulay ng kape, tapos imagine ang kulay ng toilet bowl pag may LBM ka. Imagine na umuusok at mainit ang laman ng toilet bowl, tapos pag nag-sip ka na dito, mapapaso yung labi at dila mo sa init, pero mabango naman. Isipin mo. Imagine mo lang. (Huwag gagawin dahil maaring makasama sa kalusugan).

Feeling ko masarap ang tae ng civet, sabi ng site na pinagkuhaan ko ng impormasyon "When roasted, it exudes an almost musical, fruity aroma. It has a strong, sweet, dark chocolatey taste that is perfect for that morning kick or high power meetings.". At iba kasi ang tunog ng civet e. Parng ang mahal. Parang Corvette. Basta pag tunog mahal, masarap. Ganoon naman ang mentality ng Pilipino eh. Pagimported masarap, okay, sikat, lahat na ng positive. Pagsosyal ang name, "WOW! okay yun ah."

Anyway, sa pagbili naman ng Kapeng Alamid na local (may imported version toh sa pagkakaalam ko.) makakatulong tayo sa ating bansa. May trabaho ang mga nakatira sa forest, protected ang wildlife pati ang habitat ng mga mongoose na ito. Iinom ka lang ng tae, nakatulong ka na sa bansa mo. Kahit hindi ka na magrally sa mendiola at magpababa ng corrupt na presidente. KAPENG TAE nalang.

(pasensya sa paggamit ng "ng" at "nang"... deins ako marunong gumamit....)

Monday, August 3, 2009

On the passing of Cory Aquino

For the most part, I've been quite apathetic about former Philippine president Cory Aquino. There were, after all, some things that she didn't do right during her term. Her passing and the heavy media coverage, however, has caused me to re-evaluate my stand. It has reminded me, along with the millions of Filipinos around the world mourning her death, of how she stood up to the Marcos dictatorship, and how she brought democracy back to the Philippines. Sure, it happened after Senator Ninoy Aquino's death, and she only continued the fight that her husband started, but the simple fact remains: she led the nation to reclaim our freedom. Without her, we would have been left without a leader. Marcos would have stayed in his position, without a strong opposition to challenge Marcos' claim to the country's top position. She stepped up, despite her lack of political leverage, and became the hope of the nation. After Ninoy's death, Cory stood up and gave the Philippines a fighting chance against an oppressive administration. Now, after her death, the Filipino people is once again united, thanking Cory for her valuable contribution to the history of this country. We remember her courage, her leadership, her legacy which forever changed the face of this nation. We owe a lot to her, and it is only right that we acknowledge her leadership as we mourn. She will always be the symbol of hope and unity for the country. In these times, may we not only remember Cory, but be inspired and renewed, that despite adversity from the very institution that is supposed to uphold it, we must always value and fight for our freedom.

Wednesday, July 29, 2009

One-line epiphanies vol. 1

Smoking. I'll get cancer, but at least it's fat-free.