Sunday, September 27, 2009

Si Ondoy...















Ondoy sa Dlsu.... Yung ibang images sa ibang lugar masmasakit tingnan... Cars were floating everywhere.... Para bang end of the world na... Where is Noah's ark when you need it.... I guess this happens when everyone just throws their trash anywhere, and people we elect does not even care.

Si Bagyong Ondoy (International name: Ketsana). ,,l,, eto ang sayo!!!

Marami na akong nadaanang bagyo simula pagkabata ko. May mag signal number 3 at 4, may mga nakapagpatumba ng billboard at ng puno ng mangga namin. Pero si Ondoy.... wala akong masabi sa kanya. Inipon niya ang katumbas raw sa isang buwan na pag-ulan tapos binuhos niya sa Metro Manila at mga karatig nitong lalawigan o lungsod.

Halos buong Metro Manila lubog sa tubig, at hindi lang ang mga taong below at nasa poverty level ang naapektuhan, pati ang mga taong may kaya ay naramdaman ang galit ni Ondoy. Karamihan sa aking kaibigan ay pinasok ng malamig at maduming tubig, marami ang nag-akyat ng gamit, at marami ang nastranded. May mga natulog nalang sa eskwelahan o sa gas station. Si Christine Reyes nga raw 12 hours sa bubong eh. Yayakapin ko sana siya kung andun ako. hihihi :|

Sa mga nangangarap maging presidente, step-up! So far si Gibo palang nakikita kong umaaksyon sa inyo. Philippine Navy, seryoso ba kayo 13 lang yung mga rubber boats niyo? Tama na kurakot, bumili naman kayo ng emergency equipments.

Para sa mga nasalanta at naging biktima ni Ondoy, makaasa kayo sa panalangin ko. Sa mga namatayan. Nakikiramay mo ang staff ng The Jeff and Slow show... ( si Jeff at ako )...

Sana lang makatulong ako kahit papano sa kahit sino sa kahit anung paraan.

0 comments:

Post a Comment