Sunday, November 1, 2009

Magandang Gabi Bayan


Kakatapos lang ng Undas, at malamang nagkaroon ng maraming ghost stories sa mga holloween party, sementeryo, at sa mga ghost hunting. Pero nung hindi pa uso ang internet, at hindi tayo pumaparty, yung mga taong bahay, tv at snake at ladders lang ang libangan ng mga bata, naalala niyo ba ang pinakanakakatakot at nagbibigay ng saysay sa lahat ng tao kapag UNDAS? Si Kabayang Noli De Castro, Vice President natin.

Hinihintay ng bawat bata, at ang kanilang mga kanya kanyang yaya si Kabayang Noli, at kapag sinabi na niya "Magandang Gabi Bayan!" Sigurado tataas na lahat ng balahibo ng mga manunood. Sa panget na mga special effects, at mga saksi na daig pa ang patay kapag magkwento, nung una hindi ko maisip kung ano talaga ang nakakatakot sa Magandang Gabi Bayan, ngayon naisip ko na, si Noli De Castro mismo, yung boses niya, kung paano niya sabihin ang bawat pangyayari at inarrate ang storya. Ibang klase e. May tono siyang kakaiba at pang horror talaga ang dating. Naisip ko kung si Gus Abelgas ang nag narrate mas nakakatakot ata. Sanay kasi sya sa patayan sa SOCO at yung tono niya ibang klase pag nagpapakilala siya.

Para sa akin Magandang Gabi Bayan ang pinakamalupet na holloween special. Ngayon, wala ng MGB.... SAD.... :( Yung huling MGB co-anchored raw ni Katherine De Castro, anak ni kabayan, Erwin Tulfo, ano pa ba masasabi mo TULFO yan, at si Henry Omaga Diaz, yung matangkad na news caster. Sayang yung mga ghost stories sa MGB ang lulupet pa naman, yung mga tipong dadalhin mo bago ka matulog, at pag gising mo naalala mo pa. Malupet pa sa GRUDGE at RING. Sana every holloween may MGB.

0 comments:

Post a Comment