Wednesday, August 19, 2009

Sino Si Chuck Taylor?

Ang sikat na sikat na sikat na sapatos na in na in na in ngayon na Chuck Taylor na gawa ng Converse. Kahit saan ka tumingin ngayon, mapa-babae, mapa-lalake, mapa-badingerZ, mapa-jologs o cool, mapa-artista, mapa-politiko, mapa-politisa (politiko na artista), mapa-tindero, studyante, o macho dancer, lahat naka Chuck Taylor. At ang mga mauutak na tao, ginaya ang style ng Chuck Taylor, may mga lumabas na mga peke o imitation sa mga tiangge, at kahit na sa mga maliit na mall. Pero kailan ba talaga nauso ang tinatawag nilang "chucks" o "chux"? At sino naman si Chuck Taylor?

Ayon sa hit na hit na website sa internet na Wikipedia, ang Chuck Taylor ay nauso bilang isang basketball shoes nuong 1917. (Aba! 8 years nalang 100 years na ang Chuck Taylor!) Ang unang tawag dito ay The Converse All-Star Shoes, si Charles Hollis "Chuck" Taylor na isang Amerikanong basketbolista, isinuot niya ito nung high school player pa siya. (Siguro ang pogi niya nun dahil siya lang ang naka-chucks nun sa buong gym.)

At alam niyo ba mga bata, si Chuck ay pumunta sa office ng converse para magtrabaho, sa kabutihang palad tinanggap siya doon. Madali pa ata maghanap ng trabaho noon dahil lahat ng masmagaling sayo ay nasa giyera. Ayon pa sa Wikipedia, kahit hindi pa nakapangalan ang sapatos kay Chuck Taylor sikat na siya sa mga larangan ng basketball.

Kaya naman mga bata, ipinangalan kay Chuck ang sapatos dahil may idea siyang gandahan ang pagkagawa ng The Converse All-Star Shoes, ginawa niya itong mas flexible at mas nakakapagpasupport ng ankle, dahil nga ito ay ginagamit pang basketball. (Ngayon, subukan mong magbasketball ng naka-chuck taylor, tingnan natin kung hindi ka ma-isprain, o magkaroon ng mga blisters sa talampakan.)

Hindi nagtatapos ang kwentong sapatos na eto, sumikat pa lalo si Chuck nang ginamit ng mga GI JOES ang kanyang sapatos laban sa Cobra Army. (Charing!) Pero seriously speaking, naging official sneakers ito ng mga Amerkanong bumabanat sa mga Hapon nuong panahon ng giyera.

Ayan mga bata, kilala niyo na si Chuck Taylor, alam niyo na rin ang kuwento niya.

Eh si Jack Purcell kilala niyo? Abangan.....

0 comments:

Post a Comment