Thursday, August 6, 2009

Ang Gamit ng "ng" at "nang".

Ang "nang" ay katagang kasama ng pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon. Ang "nang" ay nagsisilbing pang-angkop sa pang-ugnay na panuring sa tinuturingan.

Halimbawa: Malakas na magsalita (paano nagsalita?) = nagsalita na malakas = nagsalita nang malakas

http://www.pinoyhenyo.com/Ano_ang_angkop_na_gamit_ng-20080724144707201.html

PUTANESACA! Ano naman ang pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon? Anu ibig sabahin ng "ay nagsisilibing pang-angkop sa pang-ugnay na panuring sa tinuturingan.". Masyadong redundant, sa lagay ng pag-gamit ng NANG at NG, feeling ko never ko na maiintindihan.

Ang pang-abay ay adverb. Tama ba? At ang pang-uri ay adjective? Nakakalito ang "ng" at "nang". Bakit namin kasi parehas ang pagbigkas ng dalawang salita na mag-kaiba ang gamit at ng spelling. (Sabaw na utak ko). Matagal tagal ko rin naisip ang pinagkaiba ng dalawa, kung nagagamit ba ang "nang", na minsan lang gamitin. Ang sabi sa akin ni Jeff (ang partner ko sa blog na ito), " Pag ng, parang "of" sa English. Pag nang, parang na na may ng.". Okay! Magulo pa rin. So ito ang example ni Jeffrey (Tunay niyang pangalan) "Pamantasan NG De La Salle" at para sa "nang" : "Nang mamatay si Cory.". Exciting ba nang example niya?

Sa makatuwid, hindi mo pa rin gagamitin ang "nang", "ng" pa rin ang masmadalas mong gagamitin kasi mas konti ang letters nito at masmabilis isulat at itype. Base sa nakuha kong impormasyon sa aking pananaliksik, mas gagamitin mo ang "nang" kung ito ay nasaunahan ng isang pangungusap, at ang "ng", palagi mo gagamitin kasi deins mo rin alam ang pagkakaiba. Kaya ako "ng" lagi ginagamit ko. Wala naman kasi pinag-iba kasi same ang pagbigkas.

Sana lang natuto akong makinig sa Filipino teacher ko nung grade school. Alam ko tinuro niya yan, pero tulad ng ibang estudyante, hindi ako nakinig. At bakit naman ako makikinig? Sa isip ko, tulad ng ibang estudyante, madali lang tandaan, na alam mo na yan, na haler "ng" at "nang" lang yan. Na papasa ka sa quiz pag tinanong kung anu ang pinakaiba. Problema, hindi mo aaralin at bobokya ka sa quiz mo.

Parang english lang yan e, mga "have", "has", "had", "have been", "has been" at "had been", lahat puwede sa sentence kaya malilito ka kung alin ang gagamitin. So ang produkto, bagsak ka rin sa quiz mo sa english. Putanesca! (is at are yung madali, pero pag "everyone", "everybody" , patay nanaman sa simpleng "is" at "are". Bokya again sa quiz.)

Sorry, pero hindi ko lang alam kung ako lang sa buong Pilipinas ang may dilemma sa paggamit ng "ng" at "nang". Kung nababasa mo tong sinusulat ko, maaring sabihin mo na, "Oo nga noh! Malabo ang "ng" at "nang". Maari mo ring sabihin na, "Oo nga noh, ang bobo nitong taong Winslow na toh". Syete!!

Bilang katapusan, ayaw ko na isipin anu ang pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon. Sumasakit lang ang ulo ko. Kahit i-english ko mahirap pa rin eh. Adverb of ways? At adverb of weather? Putanesca naman talaga!

1 comments:

Jeff said...

Pota, may bago akong example! Mali yung binigay kong halimbawa dahil ang pagkakagamit ng "nang" ay pinanghalip lamang para sa "noong". Ang tamang parirala ay "Noong namatay si Cory". Ang mas tamang pag-gamit ng "nang" ay sa pangungusap na "wala nang pasok". :P

Post a Comment