Ayon sa http://pinoytopsites.net/ ang dlsu.edu.ph (The official website ng School ko!) ay nasa 22nd place sa lahat ng website na gawa ng Pilipino. Ang nakakagulat ay sa Top 50 ng listahan dalawang website ng school lang ang makikita, isa na ang dlsu.edu.ph at ang isa naman ay ang upd.edu.ph. (walang ateneo... Bleh :p).
Hindi ko maintindihan kung paano nila ito nirarank. Number 22 ang dlsu.edu.ph sa 3mos.ave kung anu man yun, 3 months average ba? hindi ko alam. Kung bibisitahin niyo yung site pataas yung number..... So hindi ko talaga maintindhan. Number 1 ang inquirer.net, sumusunod naman ang philstar.net at ebay.ph. Sumusunod naman ang mga gaming sites tulad ng levelupgames.com.ph at iba pa. Nasa top 10 rin ang abs-cbn.com at mercedez-benz.com.ph. (Mahilig pa pala ang mga Pilipino sa mercedez benz.)
May theory ako sa mga nabanggit sa taas. Sa top 10 ng mga sites na yan number 1 at 2 ang dalawang pinakamalaking pahayagan sa bansa, malamang ay ang mga OFW o mga Pinoy sa ibang bansa ang mga pumpunta dito. Ang mga sumusunod, simula number 4 hanggang 8 ay puro gaming website, kabataan naman ang mga pumunta dito. Ang abs-cbn naman ay tumatarget sa mga OFW at mga pinoy na nasa ibang bansa sa pamamagitan ng TFC, dahil dito nasa top 10 rin sila, ang mercedez-benz naman ay sa mga matatandang executives na may pera. Malaking porsyento ng mga OFW ay gumagamit ng internet para makibalita sa nangyayari sa Pilipinas dahil wala silang inquirer at philstar dun. At dahil madalas manood ng TFC tumitingin rin sila ng ABSCBN website. Dahil Masa ang bulk ng ating bansa, either hindi sila gaano gumagamit ng internet, o kundi naman ay sa banyagang site sila pumpunta.
Wala lang yan shinare ko lang yung iniisip ko.... Wala pa rin ang website ng ateneo sa top50 pinoy top sites. Bleh :P
(Pagsinort mo ang ranking by college/university number 1 ang la salle... number 9 ang ateneo)
ANIMO LA SALLE!!!
wrong timing
-
Hihingin sana number ng babae sa club..
Marvin: Hey, you're going already?
Babae: Not yet, actually nawawala phone ko.
Marvin: Oh.. try asking the bouncer...
12 years ago
0 comments:
Post a Comment