Wednesday, September 23, 2009

The Buffer Bros



"Let's Get Ready to Rumblllleeee..." Man at ang The Veteran Voice of the Octagon, ang dalawang pinakamalupet na lalake sa buong mundo. Half brothers pala sila!

Si Bruce Anthony Buffer na announcer ng mga laban sa UFC at si Michael Buffer sa prowrestling at mga laban ni Pacman. (Malamang laban lang naman ni Pacman yung pinapanuod ng mga pinoy.) Nauna naman atang sumikat si Michael kay bruce, at mukha namang mas pogi si Michael.


Unang sumabak si Michael sa pagaanounce ng laban para kay Bob Arum na isang promotor ng suntukan. Tapos sumikat sya nung sinasabi na niya yung "LET'S GET READY TO RUMBBBLEEE!". Parang wala ng ibang pupuwedeng paraan sa pag sabi nung linya na yun except katulad ng pagsabi ni Michael, mababa ang tono at malalim ang pagsabi. Sikat na sikat yun lalo na sa mga bata dati na mahilig panuorin si Undertaker habang tinotombstone niya si Shawn Michaels! Hinihintay nalang siya lumabas bago yung 30 man over the top rope para sa number 1 contendership ng WWF heavyweight championship pag new year! At paghawak na niya yung mic! Sure yan tayuan na mga bata kung sino una lalabas galing sa backstage. Cool siya! Dapat nasa Tunay na Lalake siya.

Eh hindi naman pahuhuli ang brodhhha niya from another modhaaa. Si Bruce naman ang The Veteran Voice of the Octagon. Tigas siya dahil hindi pambading na pekeng wrestling ang inaanounce niya. Mga tigasing mga manong ang nagsasapakan nagsisipaan at nagyayakapan ang inaanounce niya. Hilig niyang isigaw ang "LIVE!!!!!", "OUR MAIN EVENT FOR THIS EVENING!!!!" at "IT'S TIMMMMME!!!". Tapus iikot siya habang pinapakilala ang dalawang manong na ready na magsasapakan at maglalasahan ng kanilang sariling dugo. DAYYYMMNN!!!

Si Bruce at si Michael ay presidente at CEO sa sarili nilang kumpanya na ang pangalan ay "The Buffer Partnership". Cool sila. Ang malupet apo sila ng isang Johnny Buff na ayon sa wikipedia (Ang pinaka asitg at pinakacool na website sa buong universe!) ay isang dating boxer.

http://en.wikipedia.org/wiki/Bruce_Buffer
http://en.wikipedia.org/wiki/Michael_Buffer

0 comments:

Post a Comment