Civet, which belongs to the mongoose family - A nocturnal animal which uses its nose to choose the ripest and sweetest coffee cherries and relentlessly eats them during coffee season. Gathered very early in the morning usually before the sun rises, the forest dwellers climb the mountain and pick the civet droppings on the forest floors. On a good day, a gatherer can collect one kilo of civet droppings.
So, nakakain ka na ba ng tae... more importantly NAKAINOM KA NA BA NG TAE?? Sabi nila masarap raw tong coffee Alamid na sinasabi nila, galing sa tae ng isang klaseng mongoose... (ang mongoose ba ay isang mongoloid na goose?). Hindi ako magaling sa biology at chemistry o kung anu mang klaseng science ang ginagamit sa paggawa nitong kape, pero mahirap isipin na dinurog na tae ng isang hayop ang kape mo sa umaga, sawsawan ng skyflakes at pandesal mo. Hindi ka pa ba maeenergize sa lagay na toh? Ayon sa source ko, 500 pesos raw ang isang gram nito. Putanesca! Ang mahal! Ako nalang kakain ng coffee bean tapos itatae ko tapos ibrew niyo bayaran niyo nalang ako! Putanesca talaga!
Maganda ang adhikain ng kapeng alamid dito sa bansa natin, ayon sa http://www.arengga.com/, kung san ko nabasa ang mga information ko ngayon, mukhang rare na ang civet o Paradoxorus Philippinensis (wag mag-alala, hindi ito pera o bayong at hindi ako si Kuya Dick) sa ating bansa, kaya ngayon pinepreserve nila ito, ok rin ito dahil pinepreserve rin yung habitat nila na ang tawag sa ating mga taga-manila ay forest, at nabibigyan pa ng hanapbuhay ang mga forest dwellers (siguro tao sila at hindi mga unggoy).
Bumalik tayo sa kapeng gawa sa tae... hindi pa rin ako makagetover sa idea na ito. Isipin natin ang kulay ng kape, tapos imagine ang kulay ng toilet bowl pag may LBM ka. Imagine na umuusok at mainit ang laman ng toilet bowl, tapos pag nag-sip ka na dito, mapapaso yung labi at dila mo sa init, pero mabango naman. Isipin mo. Imagine mo lang. (Huwag gagawin dahil maaring makasama sa kalusugan).
Feeling ko masarap ang tae ng civet, sabi ng site na pinagkuhaan ko ng impormasyon "When roasted, it exudes an almost musical, fruity aroma. It has a strong, sweet, dark chocolatey taste that is perfect for that morning kick or high power meetings.". At iba kasi ang tunog ng civet e. Parng ang mahal. Parang Corvette. Basta pag tunog mahal, masarap. Ganoon naman ang mentality ng Pilipino eh. Pagimported masarap, okay, sikat, lahat na ng positive. Pagsosyal ang name, "WOW! okay yun ah."
Anyway, sa pagbili naman ng Kapeng Alamid na local (may imported version toh sa pagkakaalam ko.) makakatulong tayo sa ating bansa. May trabaho ang mga nakatira sa forest, protected ang wildlife pati ang habitat ng mga mongoose na ito. Iinom ka lang ng tae, nakatulong ka na sa bansa mo. Kahit hindi ka na magrally sa mendiola at magpababa ng corrupt na presidente. KAPENG TAE nalang.
(pasensya sa paggamit ng "ng" at "nang"... deins ako marunong gumamit....)
wrong timing
-
Hihingin sana number ng babae sa club..
Marvin: Hey, you're going already?
Babae: Not yet, actually nawawala phone ko.
Marvin: Oh.. try asking the bouncer...
12 years ago
1 comments:
grabe ka slow, ano naman ang trip mo sa mga topics ng blog mo? mashado ka na into Bob Ong. Tama ba? sha ba ang idol mo ngayon at kailanman? sa susunod na kabanata ng blog niyo jeff at winslow show!
Post a Comment