Bagyo, bagyo, puro nalang bagyo! Alam kong namiss nyo ko, kaya heto ako, magrereklamo nanaman tungkol sa pangit na commercial!
Kung nanonood kayo ng ETC o iba pang mga channel na pag-aari ng Solar, malamang nakita nyo na ang WTF na commercial ng Tiffany Break.
Ang istorya ng commercial ay tungkol sa mag-syotang high school na magka-holding hands, may pa-sway-sway pa. Ang babae ay kung ano-ano ang sinasabi, basta parang chismis lang. Ung lalake parang iritang irita na. Habang naglalakad pala sila tinitignan sila ng lahat ng tao sa campus.
Tapos biglang binitawan ng lalake ung kamay ng babae, sabay sabi "Mag-Break muna tayo!" Sabay reklamo nanaman si babaeng madaldal, sabay subo ng Break na chocolate ni lalake.
At syempre may chocolate sequence kung saan nakasubo sa babae ang chocolate, tapos may pa-swirl-swirl na chocolate sa background. Hindi ko alam kung bakit ang dami-daming gumagamit ng ganito. Wala na ba kayong ibang maisip?
Anyway, bakit nga ba sya panget? Una, ang panget ng post-prod, kung meron man. Mukang panget din ang lighting. Malabo ang recording ng boses. At ang papanget ng mga talent. Wala kang maiintindihan sa commercial kundi "mag-break na muna tayo". Eh nakakairita pa naman ung boses ng babae. Mapagtiyatiyagaan ko naman ang madaldal na babae kung hot siya e, kaso hindi.
Pangalawa, ano ba namang klaseng storya yan? Parang elementary ang nag-isip! I imagine na ang inisip lang nila ay ang linyang "mag-break na muna tayo", tapos inisip nalang nila kung saang sitwasyon sya bagay. Sa totoo lang, kahit saan naman pwede mo ipasok yan eh. Pero mukang wala na silang maisip talaga. Akala siguro nila napaka-clever ng linyang naisip nila.
Pero sa totoo lang, yan ang pangatlo. Ang panget naman ng pangalan ng product! Tiffany Break. Ginoogle ko sya, pangalan sya ng tao. So para kang kakain ng tao pag kumain ka nito. Tapos, kung titignan mo, isa lang syang imitation ng Kit-Kat. At mukang nakuha lang nila ang pangalan sa tagline ng Kit-Kat na "Have a break. Have a Kit-Kat. WTF diba? Ang bobo! Kokopya na nga lang, halatang-halata pa. Eh pano kung Tinagalog mo ang tagline ng Kit-Kat? "Mag-break muna tayo". Ang saya-saya diba?
Ang bobo ng gumawa ng commercial na to. Grabe. Ang panget na nga ng idea, wala pa syang production value. So ano? Gusto mo din ba mag-Break?
wrong timing
-
Hihingin sana number ng babae sa club..
Marvin: Hey, you're going already?
Babae: Not yet, actually nawawala phone ko.
Marvin: Oh.. try asking the bouncer...
12 years ago
0 comments:
Post a Comment