Wednesday, August 26, 2009

Magyayabang Ako

Ayon sa http://pinoytopsites.net/ ang dlsu.edu.ph (The official website ng School ko!) ay nasa 22nd place sa lahat ng website na gawa ng Pilipino. Ang nakakagulat ay sa Top 50 ng listahan dalawang website ng school lang ang makikita, isa na ang dlsu.edu.ph at ang isa naman ay ang upd.edu.ph. (walang ateneo... Bleh :p).

Hindi ko maintindihan kung paano nila ito nirarank. Number 22 ang dlsu.edu.ph sa 3mos.ave kung anu man yun, 3 months average ba? hindi ko alam. Kung bibisitahin niyo yung site pataas yung number..... So hindi ko talaga maintindhan. Number 1 ang inquirer.net, sumusunod naman ang philstar.net at ebay.ph. Sumusunod naman ang mga gaming sites tulad ng levelupgames.com.ph at iba pa. Nasa top 10 rin ang abs-cbn.com at mercedez-benz.com.ph. (Mahilig pa pala ang mga Pilipino sa mercedez benz.)

May theory ako sa mga nabanggit sa taas. Sa top 10 ng mga sites na yan number 1 at 2 ang dalawang pinakamalaking pahayagan sa bansa, malamang ay ang mga OFW o mga Pinoy sa ibang bansa ang mga pumpunta dito. Ang mga sumusunod, simula number 4 hanggang 8 ay puro gaming website, kabataan naman ang mga pumunta dito. Ang abs-cbn naman ay tumatarget sa mga OFW at mga pinoy na nasa ibang bansa sa pamamagitan ng TFC, dahil dito nasa top 10 rin sila, ang mercedez-benz naman ay sa mga matatandang executives na may pera. Malaking porsyento ng mga OFW ay gumagamit ng internet para makibalita sa nangyayari sa Pilipinas dahil wala silang inquirer at philstar dun. At dahil madalas manood ng TFC tumitingin rin sila ng ABSCBN website. Dahil Masa ang bulk ng ating bansa, either hindi sila gaano gumagamit ng internet, o kundi naman ay sa banyagang site sila pumpunta.

Wala lang yan shinare ko lang yung iniisip ko.... Wala pa rin ang website ng ateneo sa top50 pinoy top sites. Bleh :P

(Pagsinort mo ang ranking by college/university number 1 ang la salle... number 9 ang ateneo)

ANIMO LA SALLE!!!

Wednesday, August 19, 2009

Sino Si Chuck Taylor?

Ang sikat na sikat na sikat na sapatos na in na in na in ngayon na Chuck Taylor na gawa ng Converse. Kahit saan ka tumingin ngayon, mapa-babae, mapa-lalake, mapa-badingerZ, mapa-jologs o cool, mapa-artista, mapa-politiko, mapa-politisa (politiko na artista), mapa-tindero, studyante, o macho dancer, lahat naka Chuck Taylor. At ang mga mauutak na tao, ginaya ang style ng Chuck Taylor, may mga lumabas na mga peke o imitation sa mga tiangge, at kahit na sa mga maliit na mall. Pero kailan ba talaga nauso ang tinatawag nilang "chucks" o "chux"? At sino naman si Chuck Taylor?

Ayon sa hit na hit na website sa internet na Wikipedia, ang Chuck Taylor ay nauso bilang isang basketball shoes nuong 1917. (Aba! 8 years nalang 100 years na ang Chuck Taylor!) Ang unang tawag dito ay The Converse All-Star Shoes, si Charles Hollis "Chuck" Taylor na isang Amerikanong basketbolista, isinuot niya ito nung high school player pa siya. (Siguro ang pogi niya nun dahil siya lang ang naka-chucks nun sa buong gym.)

At alam niyo ba mga bata, si Chuck ay pumunta sa office ng converse para magtrabaho, sa kabutihang palad tinanggap siya doon. Madali pa ata maghanap ng trabaho noon dahil lahat ng masmagaling sayo ay nasa giyera. Ayon pa sa Wikipedia, kahit hindi pa nakapangalan ang sapatos kay Chuck Taylor sikat na siya sa mga larangan ng basketball.

Kaya naman mga bata, ipinangalan kay Chuck ang sapatos dahil may idea siyang gandahan ang pagkagawa ng The Converse All-Star Shoes, ginawa niya itong mas flexible at mas nakakapagpasupport ng ankle, dahil nga ito ay ginagamit pang basketball. (Ngayon, subukan mong magbasketball ng naka-chuck taylor, tingnan natin kung hindi ka ma-isprain, o magkaroon ng mga blisters sa talampakan.)

Hindi nagtatapos ang kwentong sapatos na eto, sumikat pa lalo si Chuck nang ginamit ng mga GI JOES ang kanyang sapatos laban sa Cobra Army. (Charing!) Pero seriously speaking, naging official sneakers ito ng mga Amerkanong bumabanat sa mga Hapon nuong panahon ng giyera.

Ayan mga bata, kilala niyo na si Chuck Taylor, alam niyo na rin ang kuwento niya.

Eh si Jack Purcell kilala niyo? Abangan.....

Saturday, August 15, 2009

Pagmumura sa Ingles at Tagalog

Bakit ang unfair ng mundo? Sa wikang Ingles, pwede mong gawing mura ang kahit anong sentence. Lalagyan mo lang ng "fuck" sa gitna ng mga salita. Katulad ng "I love you so fucking much" o "Your report was so fucking boring". Sa Tagalog naman, mahirap singitan ng mura ang mga sentence. Katulad ng "Bakit ang panget mo?" Hindi mo pwedeng singitan ng "putangina" ang ganyang pangungusap. "Bakit putangina ang panget mo?" Parang mali. "Bakit ang panget putangina mo?" Nako, maslalong mali. Ang fuck, kahit saan pwede mong isingit dahil marami syang variants, katulad ng fucking, fucker, fucked, etc. Ang putangina, pwede mo lang lagyan ng "NG" sa dulo, at lagyan ng direct object, katulad ng "putanginang araw to!" Pwede siguro sya ilagay sa unahan ng bawat pangungusap, katulad ng "putangina, ang laki naman ng peklat mo!" at ilagay sya bago ang salitang peklat (ang laki naman ng putanginang peklat mo) pero hindi pa rin katulad ng fuck na kahit saan pwede mong isingit (what the fuck is the fucking matter with that fucker?)

Diba ang unfair?

Ang mga Anime nung Bata ako. Weeee :D

Sikat na sikat ang mga anime (cartoons na made in Japan) dito sa Pinas, lalo na noong grade school, hindi puwdeng kumain ng dinner hanggang hindi ko napapanuod sina Goku, Recca, at ang legend na si Eugene.

Kahit loser na ngayon ang ibang cartoons, at kung nanonood ka ng mga anime ngayon ay isip bata ka na sa iba, cool ka pa rin kung nakilala mo pa rin ang mga tao na binanggit sa taas. Siga ka kung niraray gun mo ang puwet mga tao, lufet mo kung memorize mo ang pangalan ng mga dragon ni Recca, cool pag naglalaro kayo sa canteen ng dragonball (CHARGE!), at madaya ka kung reflect ka lang ng reflect sa larong ito, at ikaw ang coolest kung magaling ka mag jak n poy, dahil kaw lagi ang King sa king queen jack na isang version nito.

Hindi ko alam kung sikat rin ba sa mga babae ang mga cartoons na toh, pero sa mga lalake, COOL ang mga ito. Noong bata ako, nauso ang "orbit hairstyle" dahil ata kay Eugene. (Pansinin ang buhok niya.) Nakuha namin kay Goku ang pagpapakulay ng buhok. At dahil kay Recca, gusto ko nuon magpatatoo. (Feel ko may lalabas na dragon sa kamay ko.)

Kung may cable kayo nung kasikatan ng mga anime, malamang pinanud mo rin ang Cooking Master Boy (yung may umiilaw na pagkain tapos sobrang sarap raw ng pagkain na niluluto niya), Grander Mushashi (hindi ito yung game na samurai-samurai, ito yung anime na may bata na sobrang galing mangisda. COOL.), at Power Stone (nakalimutan ko na yung mga details ng palabas na ito pero alam ko sinubaybayan ko rin ito e.)

Ngayon ang rami ng COOL na anime tulad ng Naruto (gusto ko maging ninja), ang bano lang nga abs-cbn kasi sobrang late nila magpalabas ng mga bagong episode.

FYI: Hindi na uso ang anime, series na ang uso.

Mga katanungan:
1. Sino si Jak at Poy?
2. Ilan ba dapat ang charge bago ka puwede maging Super Sayen?
3. San ipepetition ang pagban ng paggamit ng reflect sa paglaro ng Manu-Mano Dragonball?
4. Bakla ba si Dennis sa Ghost Fighter?
5. Eh si Tuxedo Mask bakla ba siya? At bakit tumutusok yung rosas niya sa simento?
6. Kaya mo pa ba ienumerate ang mga dragon ni Recca?
7. TAGURO TAGURO TAGURO TAGURO! Bakit yung kapatid niya nakakapit lagi sa likod niya parang backpack?

Saturday, August 8, 2009

Noong High School at Ngayong College

1. Noong High School - Nababadtrip ka sa mga teacher na marunong magturo at may tinuturo na may katuturan, lalo na yung maaga pumasok sa classroom.

Ngayong College - Nababadtrip ka na sa mga propesor na hindi nagtuturo o kung meron man, bano siya magturo at parang wala ka pa ring naiintindihan, at yung mga hindi pumapasok. (FREE CUT!!! na un-announce, PUMASOK KA PA!)

2. Noong High School - Malaki na ang 100 pesos na baon kada araw at masaya ka na sa french fries at jungle juice sa canteen.

Ngayong College - Ang 100 ay kulang pa pang-bisyo sa isang araw.

3. Noong High School - Ang dali lang manligaw, dadalhin mo lang yung bag niya, aabangan mo sa gate pag pasukan, ihahatid mo sa sundo niya pagdismissal, bubuhatin mo yung lunch box niya, at ililibre mo ng french fries, jungle juice o coke sakto, after 1 week, sure ball kayo na!

Ngayong College - Kailangan may kotse ka na, dapat astig ka, hindi ka puwedeng sobrang talino o sobrang patapon. Kailangan mo na rin magpractice na hindi maglunch para makaipon para sa date. Ang french fries, jungle juice at coke sakto ay walang dagdag pogi points pero kailangan mo pa ibili siya ng mga ito. (Hirap ng buhay....)

4. Noong High School - Hirap na hirap ka sa mga inaaral mo. Kung patapon ka noong high school, hirap na hirap ka mag-cut dahil tumatawag sa bahay ang school.

Ngayong College - Gusto mo ng bumalik sa high school kasi mas madali ang buhay estudyante noon. Kung patapon ka naman, masaya ka kasi puwede ka mag-cut ng kahit anung subject, patay ka lang nga pagbumagsak ka!

5. Noong High School - Cool ka pag varsity ka ng basketball.

Ngayong College - Cool ka pa rin pag varsity ka ng basketball o kung anu mang sport, pero cool na rin kung may poster ka sa school dahil nerd ka!

6. Noong High School - Uso ang may poster ng basketball player, artista, o lyrics ng kanta sa mga notebook at libro. Cool yon!

Ngayong College - Jologs ka na pag-ganyan pa rin itsura ng notebook at libro mo.

7. Noong High School - Cool ka pag bad boy ka!

Ngayong College - Pag bad boy ka, patay ka sa D.O. :(

8. Noong High School - Nakakahiya tumae sa school.

Ngayong College - Sige lang. Mas maganda pa banyo nila dito kesa sa bahay.

9. Noong High School - "Gusto ko na magcollege, excited na ako!"

Ngayong College - Kumakanta ka na ng "High school life o ang high school life..."

10. Noong High School - "Tay, Nay, bagsak ako."

Ngayong College - "Tay, Nay, si Jenny, girlprend ko, buntis siya. AKO ANG TATAY." (anak ng tipaklong!)

11. Noong High School - "Saan ka mag-college? Lasalle? Ateneo?"

Ngayong College - "Saan ka lilipat? Mag-aaral ka pa ba? Di ba buntis girlfriend mo?" (Patay tayo diyan.)

Friday, August 7, 2009

Overheard on the news vol. 1

Principal of a school principal in the CAMANAVA area, on the constant suspension of classes because of floods:

"pag nakalubog ang paa ng mga bata, delikado yan. Kasi mayroon tayong tinatawag na... ihi ng daga"

(if the students' feet are submerged in the flood, it can be dangerous... Because we have what we call... rats' urine)

Uhmmm... What else would you call rats' urine?

Thursday, August 6, 2009

Ang Gamit ng "ng" at "nang".

Ang "nang" ay katagang kasama ng pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon. Ang "nang" ay nagsisilbing pang-angkop sa pang-ugnay na panuring sa tinuturingan.

Halimbawa: Malakas na magsalita (paano nagsalita?) = nagsalita na malakas = nagsalita nang malakas

http://www.pinoyhenyo.com/Ano_ang_angkop_na_gamit_ng-20080724144707201.html

PUTANESACA! Ano naman ang pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon? Anu ibig sabahin ng "ay nagsisilibing pang-angkop sa pang-ugnay na panuring sa tinuturingan.". Masyadong redundant, sa lagay ng pag-gamit ng NANG at NG, feeling ko never ko na maiintindihan.

Ang pang-abay ay adverb. Tama ba? At ang pang-uri ay adjective? Nakakalito ang "ng" at "nang". Bakit namin kasi parehas ang pagbigkas ng dalawang salita na mag-kaiba ang gamit at ng spelling. (Sabaw na utak ko). Matagal tagal ko rin naisip ang pinagkaiba ng dalawa, kung nagagamit ba ang "nang", na minsan lang gamitin. Ang sabi sa akin ni Jeff (ang partner ko sa blog na ito), " Pag ng, parang "of" sa English. Pag nang, parang na na may ng.". Okay! Magulo pa rin. So ito ang example ni Jeffrey (Tunay niyang pangalan) "Pamantasan NG De La Salle" at para sa "nang" : "Nang mamatay si Cory.". Exciting ba nang example niya?

Sa makatuwid, hindi mo pa rin gagamitin ang "nang", "ng" pa rin ang masmadalas mong gagamitin kasi mas konti ang letters nito at masmabilis isulat at itype. Base sa nakuha kong impormasyon sa aking pananaliksik, mas gagamitin mo ang "nang" kung ito ay nasaunahan ng isang pangungusap, at ang "ng", palagi mo gagamitin kasi deins mo rin alam ang pagkakaiba. Kaya ako "ng" lagi ginagamit ko. Wala naman kasi pinag-iba kasi same ang pagbigkas.

Sana lang natuto akong makinig sa Filipino teacher ko nung grade school. Alam ko tinuro niya yan, pero tulad ng ibang estudyante, hindi ako nakinig. At bakit naman ako makikinig? Sa isip ko, tulad ng ibang estudyante, madali lang tandaan, na alam mo na yan, na haler "ng" at "nang" lang yan. Na papasa ka sa quiz pag tinanong kung anu ang pinakaiba. Problema, hindi mo aaralin at bobokya ka sa quiz mo.

Parang english lang yan e, mga "have", "has", "had", "have been", "has been" at "had been", lahat puwede sa sentence kaya malilito ka kung alin ang gagamitin. So ang produkto, bagsak ka rin sa quiz mo sa english. Putanesca! (is at are yung madali, pero pag "everyone", "everybody" , patay nanaman sa simpleng "is" at "are". Bokya again sa quiz.)

Sorry, pero hindi ko lang alam kung ako lang sa buong Pilipinas ang may dilemma sa paggamit ng "ng" at "nang". Kung nababasa mo tong sinusulat ko, maaring sabihin mo na, "Oo nga noh! Malabo ang "ng" at "nang". Maari mo ring sabihin na, "Oo nga noh, ang bobo nitong taong Winslow na toh". Syete!!

Bilang katapusan, ayaw ko na isipin anu ang pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon. Sumasakit lang ang ulo ko. Kahit i-english ko mahirap pa rin eh. Adverb of ways? At adverb of weather? Putanesca naman talaga!

Tuesday, August 4, 2009

Nakatikim Ka na ba ng Taeng Kape?

Civet, which belongs to the mongoose family - A nocturnal animal which uses its nose to choose the ripest and sweetest coffee cherries and relentlessly eats them during coffee season. Gathered very early in the morning usually before the sun rises, the forest dwellers climb the mountain and pick the civet droppings on the forest floors. On a good day, a gatherer can collect one kilo of civet droppings.

So, nakakain ka na ba ng tae... more importantly NAKAINOM KA NA BA NG TAE?? Sabi nila masarap raw tong coffee Alamid na sinasabi nila, galing sa tae ng isang klaseng mongoose... (ang mongoose ba ay isang mongoloid na goose?). Hindi ako magaling sa biology at chemistry o kung anu mang klaseng science ang ginagamit sa paggawa nitong kape, pero mahirap isipin na dinurog na tae ng isang hayop ang kape mo sa umaga, sawsawan ng skyflakes at pandesal mo. Hindi ka pa ba maeenergize sa lagay na toh? Ayon sa source ko, 500 pesos raw ang isang gram nito. Putanesca! Ang mahal! Ako nalang kakain ng coffee bean tapos itatae ko tapos ibrew niyo bayaran niyo nalang ako! Putanesca talaga!

Maganda ang adhikain ng kapeng alamid dito sa bansa natin, ayon sa http://www.arengga.com/, kung san ko nabasa ang mga information ko ngayon, mukhang rare na ang civet o Paradoxorus Philippinensis (wag mag-alala, hindi ito pera o bayong at hindi ako si Kuya Dick) sa ating bansa, kaya ngayon pinepreserve nila ito, ok rin ito dahil pinepreserve rin yung habitat nila na ang tawag sa ating mga taga-manila ay forest, at nabibigyan pa ng hanapbuhay ang mga forest dwellers (siguro tao sila at hindi mga unggoy).

Bumalik tayo sa kapeng gawa sa tae... hindi pa rin ako makagetover sa idea na ito. Isipin natin ang kulay ng kape, tapos imagine ang kulay ng toilet bowl pag may LBM ka. Imagine na umuusok at mainit ang laman ng toilet bowl, tapos pag nag-sip ka na dito, mapapaso yung labi at dila mo sa init, pero mabango naman. Isipin mo. Imagine mo lang. (Huwag gagawin dahil maaring makasama sa kalusugan).

Feeling ko masarap ang tae ng civet, sabi ng site na pinagkuhaan ko ng impormasyon "When roasted, it exudes an almost musical, fruity aroma. It has a strong, sweet, dark chocolatey taste that is perfect for that morning kick or high power meetings.". At iba kasi ang tunog ng civet e. Parng ang mahal. Parang Corvette. Basta pag tunog mahal, masarap. Ganoon naman ang mentality ng Pilipino eh. Pagimported masarap, okay, sikat, lahat na ng positive. Pagsosyal ang name, "WOW! okay yun ah."

Anyway, sa pagbili naman ng Kapeng Alamid na local (may imported version toh sa pagkakaalam ko.) makakatulong tayo sa ating bansa. May trabaho ang mga nakatira sa forest, protected ang wildlife pati ang habitat ng mga mongoose na ito. Iinom ka lang ng tae, nakatulong ka na sa bansa mo. Kahit hindi ka na magrally sa mendiola at magpababa ng corrupt na presidente. KAPENG TAE nalang.

(pasensya sa paggamit ng "ng" at "nang"... deins ako marunong gumamit....)

Monday, August 3, 2009

On the passing of Cory Aquino

For the most part, I've been quite apathetic about former Philippine president Cory Aquino. There were, after all, some things that she didn't do right during her term. Her passing and the heavy media coverage, however, has caused me to re-evaluate my stand. It has reminded me, along with the millions of Filipinos around the world mourning her death, of how she stood up to the Marcos dictatorship, and how she brought democracy back to the Philippines. Sure, it happened after Senator Ninoy Aquino's death, and she only continued the fight that her husband started, but the simple fact remains: she led the nation to reclaim our freedom. Without her, we would have been left without a leader. Marcos would have stayed in his position, without a strong opposition to challenge Marcos' claim to the country's top position. She stepped up, despite her lack of political leverage, and became the hope of the nation. After Ninoy's death, Cory stood up and gave the Philippines a fighting chance against an oppressive administration. Now, after her death, the Filipino people is once again united, thanking Cory for her valuable contribution to the history of this country. We remember her courage, her leadership, her legacy which forever changed the face of this nation. We owe a lot to her, and it is only right that we acknowledge her leadership as we mourn. She will always be the symbol of hope and unity for the country. In these times, may we not only remember Cory, but be inspired and renewed, that despite adversity from the very institution that is supposed to uphold it, we must always value and fight for our freedom.