Thursday, January 28, 2010

May Magnet Kaya ang Mga Pinoy?

Nagtretren ka ba papuntang opis o iskul? Ako oo, ilang taon na rin akong sumasakay ng lrt papuntang iskul. Nakita ko na ang lahat, sa pagaaway ng magsweety pie, sagutan dahil sa sikuhan, mga preachers sa loob ng tren, mga mukhang dirty old man (Madumi o madungis na matandang lalake), mga nakasandong kitang kita ang residue ng deodorant, mga taong umookyupy ng pangdalawang tao, mga naiipit at nawawalan ng tsinelas sa sikip, mga nakakapindot ng emergency red button, at mga taong napaglalaktawan ng babaan dahil sa tulog. Marami na akong karanasan sa lrt pero may isang bagay na ang kaibigan ko lang ang nakapuna.... Ang Pinoy ba may magnet sa katawan para sa mga pintuan?

Isang araw, pauwi kami ng aking kaibigan, LRT ang sakay namin pauwi galing iskul. Normal day, sasakay, tatayo o kung swerte makakaupo. Normal day, masikip rin ang tren. Pero masikip nga ba? Madalas uminit ang aking ulo, lalo na nung araw na yon dahil nahihilo at nasusuka at marami akong dalang gamit. ( Galing ako sa retreat ). Kaya naman wala akong paki manulak pagpasok sa tren dahil gusto ko ng umuwi at baka sa maling lugar pa ako masuka at mas nakakahiya yun.

So ayun, pumasok kami sa tren, "excuse, excuse..." sabi ko sa mga taong nakaharang sa pinto. Guess what, "WHAT???" maluwag sa gitna ng tren. Hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng tao ay gustong gusto sa may pinto, para bang hinaharangan ng mga spartans ang mga papasok ng tren. POTANESCA, may paa sila para pumunta sa gitna at huwag mangharang. Malas talaga pagmaipit ka sa gitna, lalo na sa umaga, kakaligo mo lang amoy carpenter ka na.

Hindi lang naman sa pinto ng LRT MRT ngyayari toh, sa ibang bansa escalator nila ay maayos, sa tabi ka kung ayw mo maglakas paaykat o pababa, para ang nagmamadali puwedeng maglakad ng diretso, dito sa pinas hindi pwede yan, lahat kakapit sa railing, wala lang tamad eh... sa elevator naman, sa railings rin ang punta ng mga tao, sa mga coner. makikipagsiksikan sila sau, para lang makasandal sa side ng elevator. Sa jeep at sa bus, ganyan rin ang ngyayari, mapapansin mo na lahat ay nakaupo sa unahan, kahit na dulo pa ang bababaan nila.

Sa buhay Pinoy, first come first served, di na baleng mahirapan ang iba basta ikaw mauna. Sana walang magnet ang pinoy sa mga pinto o railing, konting bagay lang ang kailangan gawin para makatulong. Paunti unti, para guminhawa.

0 comments:

Post a Comment