Sunday, November 1, 2009

Magandang Gabi Bayan


Kakatapos lang ng Undas, at malamang nagkaroon ng maraming ghost stories sa mga holloween party, sementeryo, at sa mga ghost hunting. Pero nung hindi pa uso ang internet, at hindi tayo pumaparty, yung mga taong bahay, tv at snake at ladders lang ang libangan ng mga bata, naalala niyo ba ang pinakanakakatakot at nagbibigay ng saysay sa lahat ng tao kapag UNDAS? Si Kabayang Noli De Castro, Vice President natin.

Hinihintay ng bawat bata, at ang kanilang mga kanya kanyang yaya si Kabayang Noli, at kapag sinabi na niya "Magandang Gabi Bayan!" Sigurado tataas na lahat ng balahibo ng mga manunood. Sa panget na mga special effects, at mga saksi na daig pa ang patay kapag magkwento, nung una hindi ko maisip kung ano talaga ang nakakatakot sa Magandang Gabi Bayan, ngayon naisip ko na, si Noli De Castro mismo, yung boses niya, kung paano niya sabihin ang bawat pangyayari at inarrate ang storya. Ibang klase e. May tono siyang kakaiba at pang horror talaga ang dating. Naisip ko kung si Gus Abelgas ang nag narrate mas nakakatakot ata. Sanay kasi sya sa patayan sa SOCO at yung tono niya ibang klase pag nagpapakilala siya.

Para sa akin Magandang Gabi Bayan ang pinakamalupet na holloween special. Ngayon, wala ng MGB.... SAD.... :( Yung huling MGB co-anchored raw ni Katherine De Castro, anak ni kabayan, Erwin Tulfo, ano pa ba masasabi mo TULFO yan, at si Henry Omaga Diaz, yung matangkad na news caster. Sayang yung mga ghost stories sa MGB ang lulupet pa naman, yung mga tipong dadalhin mo bago ka matulog, at pag gising mo naalala mo pa. Malupet pa sa GRUDGE at RING. Sana every holloween may MGB.

AdRant Vol.5

http://www.youtube.com/watch?v=twB13-WMhXs

Unang AdRant ko toh na pinauso ni Jepoy. Napili kong pintasan at tawanan itong commercial dahil nakakabadtrip toh.

Mega Sardines with Omega 3. Blah blah blah. Ginaya lang nila yung linya na "saging lang ang may puso" kay mark lapid sa isang movie niya. Tapos naasar ako kasi slice of life siya na commercial na may humor pero hindi ako natatawa e.... Naasar ako e! Mas maganda ang mga naunang commercial ng Mega Sardines, kung saan masa pa rin ang role ni Cesar Montano pero mas matino, may emotional factor na parang mga Extra Joss Commercial ngayon ni Jericho Rosales.

Pero yun nga, dahil napansin ko ang commercial na ito malamang may value rin siya, pero ang mangyayari lang kahit may Omega 3 ito o anu mang klaseng pampagaling ng AIDS o Swine Flu hindi ako bibili dahil nacornyhan ako sa commercial.

We Are Back!

Nawala ako dahil nasira ang aking laptop.

Gusto ko ng sariling private army, yun na siguru yung pinakapangarap ko, may mga goons ako at mga "bata" na puwede kong utusan lang at gagawin nila ang mga gusto ko. Gusto ko ng maraming pera at maraming kotse. Parang yung mga nasa movies, mga druglord tapos ang angas nila. May swimming pool at mansion, tapos nakapalibot mga goons nila sa bahay na may mahahabang aramalite! Cool yun!

May kanya kanyang opinion ang bawat tao, kaya nahihirapan ang ibang tao para kilalanin ang kanilang sarili, iba iba ang sinasabi at nakikita ng mga tao sa kanila. Mahirap magsabi ng isang bagay sa sarili kung hindi naman sasang-ayon ang ibang tao, mapapahiya ka lang.

Sa pagtatapos, mahirap mag-sabi kung anu ako pagkatapos ko ng college, hindi natin alam baka bigla nalang ako maging abu sayaf! o maging assasin ni Gloria Arroyo. o ninja. Maraming daan na puwedeng tahakin pero pag dating sa crossroads, nasa sa iyo na lang kung anung klaseng panghuhula ang gagamitin mo. (ini-mini-mai-ni-mo)