Thursday, January 28, 2010
May Magnet Kaya ang Mga Pinoy?
Isang araw, pauwi kami ng aking kaibigan, LRT ang sakay namin pauwi galing iskul. Normal day, sasakay, tatayo o kung swerte makakaupo. Normal day, masikip rin ang tren. Pero masikip nga ba? Madalas uminit ang aking ulo, lalo na nung araw na yon dahil nahihilo at nasusuka at marami akong dalang gamit. ( Galing ako sa retreat ). Kaya naman wala akong paki manulak pagpasok sa tren dahil gusto ko ng umuwi at baka sa maling lugar pa ako masuka at mas nakakahiya yun.
So ayun, pumasok kami sa tren, "excuse, excuse..." sabi ko sa mga taong nakaharang sa pinto. Guess what, "WHAT???" maluwag sa gitna ng tren. Hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng tao ay gustong gusto sa may pinto, para bang hinaharangan ng mga spartans ang mga papasok ng tren. POTANESCA, may paa sila para pumunta sa gitna at huwag mangharang. Malas talaga pagmaipit ka sa gitna, lalo na sa umaga, kakaligo mo lang amoy carpenter ka na.
Hindi lang naman sa pinto ng LRT MRT ngyayari toh, sa ibang bansa escalator nila ay maayos, sa tabi ka kung ayw mo maglakas paaykat o pababa, para ang nagmamadali puwedeng maglakad ng diretso, dito sa pinas hindi pwede yan, lahat kakapit sa railing, wala lang tamad eh... sa elevator naman, sa railings rin ang punta ng mga tao, sa mga coner. makikipagsiksikan sila sau, para lang makasandal sa side ng elevator. Sa jeep at sa bus, ganyan rin ang ngyayari, mapapansin mo na lahat ay nakaupo sa unahan, kahit na dulo pa ang bababaan nila.
Sa buhay Pinoy, first come first served, di na baleng mahirapan ang iba basta ikaw mauna. Sana walang magnet ang pinoy sa mga pinto o railing, konting bagay lang ang kailangan gawin para makatulong. Paunti unti, para guminhawa.
Sunday, November 1, 2009
Magandang Gabi Bayan
Kakatapos lang ng Undas, at malamang nagkaroon ng maraming ghost stories sa mga holloween party, sementeryo, at sa mga ghost hunting. Pero nung hindi pa uso ang internet, at hindi tayo pumaparty, yung mga taong bahay, tv at snake at ladders lang ang libangan ng mga bata, naalala niyo ba ang pinakanakakatakot at nagbibigay ng saysay sa lahat ng tao kapag UNDAS? Si Kabayang Noli De Castro, Vice President natin.
Hinihintay ng bawat bata, at ang kanilang mga kanya kanyang yaya si Kabayang Noli, at kapag sinabi na niya "Magandang Gabi Bayan!" Sigurado tataas na lahat ng balahibo ng mga manunood. Sa panget na mga special effects, at mga saksi na daig pa ang patay kapag magkwento, nung una hindi ko maisip kung ano talaga ang nakakatakot sa Magandang Gabi Bayan, ngayon naisip ko na, si Noli De Castro mismo, yung boses niya, kung paano niya sabihin ang bawat pangyayari at inarrate ang storya. Ibang klase e. May tono siyang kakaiba at pang horror talaga ang dating. Naisip ko kung si Gus Abelgas ang nag narrate mas nakakatakot ata. Sanay kasi sya sa patayan sa SOCO at yung tono niya ibang klase pag nagpapakilala siya.
Para sa akin Magandang Gabi Bayan ang pinakamalupet na holloween special. Ngayon, wala ng MGB.... SAD.... :( Yung huling MGB co-anchored raw ni Katherine De Castro, anak ni kabayan, Erwin Tulfo, ano pa ba masasabi mo TULFO yan, at si Henry Omaga Diaz, yung matangkad na news caster. Sayang yung mga ghost stories sa MGB ang lulupet pa naman, yung mga tipong dadalhin mo bago ka matulog, at pag gising mo naalala mo pa. Malupet pa sa GRUDGE at RING. Sana every holloween may MGB.
AdRant Vol.5
Unang AdRant ko toh na pinauso ni Jepoy. Napili kong pintasan at tawanan itong commercial dahil nakakabadtrip toh.
Mega Sardines with Omega 3. Blah blah blah. Ginaya lang nila yung linya na "saging lang ang may puso" kay mark lapid sa isang movie niya. Tapos naasar ako kasi slice of life siya na commercial na may humor pero hindi ako natatawa e.... Naasar ako e! Mas maganda ang mga naunang commercial ng Mega Sardines, kung saan masa pa rin ang role ni Cesar Montano pero mas matino, may emotional factor na parang mga Extra Joss Commercial ngayon ni Jericho Rosales.
Pero yun nga, dahil napansin ko ang commercial na ito malamang may value rin siya, pero ang mangyayari lang kahit may Omega 3 ito o anu mang klaseng pampagaling ng AIDS o Swine Flu hindi ako bibili dahil nacornyhan ako sa commercial.
We Are Back!
Gusto ko ng sariling private army, yun na siguru yung pinakapangarap ko, may mga goons ako at mga "bata" na puwede kong utusan lang at gagawin nila ang mga gusto ko. Gusto ko ng maraming pera at maraming kotse. Parang yung mga nasa movies, mga druglord tapos ang angas nila. May swimming pool at mansion, tapos nakapalibot mga goons nila sa bahay na may mahahabang aramalite! Cool yun!
May kanya kanyang opinion ang bawat tao, kaya nahihirapan ang ibang tao para kilalanin ang kanilang sarili, iba iba ang sinasabi at nakikita ng mga tao sa kanila. Mahirap magsabi ng isang bagay sa sarili kung hindi naman sasang-ayon ang ibang tao, mapapahiya ka lang.
Sa pagtatapos, mahirap mag-sabi kung anu ako pagkatapos ko ng college, hindi natin alam baka bigla nalang ako maging abu sayaf! o maging assasin ni Gloria Arroyo. o ninja. Maraming daan na puwedeng tahakin pero pag dating sa crossroads, nasa sa iyo na lang kung anung klaseng panghuhula ang gagamitin mo. (ini-mini-mai-ni-mo)
Saturday, October 17, 2009
ADRANTS vol. 4: Tiffany Break
Kung nanonood kayo ng ETC o iba pang mga channel na pag-aari ng Solar, malamang nakita nyo na ang WTF na commercial ng Tiffany Break.
Ang istorya ng commercial ay tungkol sa mag-syotang high school na magka-holding hands, may pa-sway-sway pa. Ang babae ay kung ano-ano ang sinasabi, basta parang chismis lang. Ung lalake parang iritang irita na. Habang naglalakad pala sila tinitignan sila ng lahat ng tao sa campus.
Tapos biglang binitawan ng lalake ung kamay ng babae, sabay sabi "Mag-Break muna tayo!" Sabay reklamo nanaman si babaeng madaldal, sabay subo ng Break na chocolate ni lalake.
At syempre may chocolate sequence kung saan nakasubo sa babae ang chocolate, tapos may pa-swirl-swirl na chocolate sa background. Hindi ko alam kung bakit ang dami-daming gumagamit ng ganito. Wala na ba kayong ibang maisip?
Anyway, bakit nga ba sya panget? Una, ang panget ng post-prod, kung meron man. Mukang panget din ang lighting. Malabo ang recording ng boses. At ang papanget ng mga talent. Wala kang maiintindihan sa commercial kundi "mag-break na muna tayo". Eh nakakairita pa naman ung boses ng babae. Mapagtiyatiyagaan ko naman ang madaldal na babae kung hot siya e, kaso hindi.
Pangalawa, ano ba namang klaseng storya yan? Parang elementary ang nag-isip! I imagine na ang inisip lang nila ay ang linyang "mag-break na muna tayo", tapos inisip nalang nila kung saang sitwasyon sya bagay. Sa totoo lang, kahit saan naman pwede mo ipasok yan eh. Pero mukang wala na silang maisip talaga. Akala siguro nila napaka-clever ng linyang naisip nila.
Pero sa totoo lang, yan ang pangatlo. Ang panget naman ng pangalan ng product! Tiffany Break. Ginoogle ko sya, pangalan sya ng tao. So para kang kakain ng tao pag kumain ka nito. Tapos, kung titignan mo, isa lang syang imitation ng Kit-Kat. At mukang nakuha lang nila ang pangalan sa tagline ng Kit-Kat na "Have a break. Have a Kit-Kat. WTF diba? Ang bobo! Kokopya na nga lang, halatang-halata pa. Eh pano kung Tinagalog mo ang tagline ng Kit-Kat? "Mag-break muna tayo". Ang saya-saya diba?
Ang bobo ng gumawa ng commercial na to. Grabe. Ang panget na nga ng idea, wala pa syang production value. So ano? Gusto mo din ba mag-Break?
Tuesday, September 29, 2009
Baha na may Bobo pa.... tsk tsk tsk
President Gloria Macapagal Arroyo used P800-million emergency fund for foreign trips
By Jess Diaz (The Philippine Star) Updated August 15, 2009 12:00 AM
MANILA, Philippines - President Arroyo used up the government’s P800-million contingency fund for emergencies like calamities for her frequent foreign trips, Bukidnon Rep. Teofisto Guingona III revealed yesterday.
“She exhausted not only MalacaƱang’s travel funds but also the P800-million appropriation for emergencies in the 2008 national budget,” he told radio station dzMM.
He said he based his revelation on a Commission on Audit (COA) report submitted to Speaker Prospero Nograles this week.
“I have a copy of the report. An assistant commissioner of COA even briefed us on their shocking findings,” he said.
Guingona said the COA findings show that the 2008 contingency fund was not enough for foreign travels and Mrs. Arroyo had to augment it by P120 million.
And blah blah blah blah..... Wala na akong gana basahin yung natitirang mga paragraph... I guess yung mga naunang sinabi sa taas, ok na yun. Hay... Ang laki nung travel budget niya, tapos nawala pa yung 800Million para sa emergencies. POTANESCA!!!! Wala ako masabi!!! Nagulat nalang nung narinig ko yung balita tungkol dito. 800 million pesos. Kung 1Milyon man ang isang lifeboat, makakabili ka pa rin ng 800 na lifeboats para makasagip ng mga tao sa Maynila. Hindi ko alam bakit sobrang bobo at makasarili ng administrasyong Arroyo.... Hindi porket pangulo ka magagawa mo kunin ang pera ng mga Pilipino at iwaldas toh sa pansarili mong ginhawa. Hindi ka nga dapat kumakain sa mga turo turo at sa mga carinderia, pero POTA naman wag ka naman sa gintong kainan. Maraming nagugutom sa Pilipinas, hindi mo pinaghirapan ang pera na ginagamit mo, pinaghirapan yan ng mga Pilipino na dapat pinagsisilbihan mo. ,,l,, isang malaking ganyan ang makukuha mo galing sa akin. Akala ko anak mo at asawa mo lang yung bobo kasama ka rin pala. Wag ka na tumakbo bilang kahit anung government official. Hindi bagay! Nakakahiya ka!!! Tapos papalimos mo gobyerno mo sa ibang bansa!! BALIW KA!!! Bruha!!!
Crocodile sa Pasig (hindi sa pasig river)
Got this from my friend. ( Thanks Darene for the picture ). It was confirmed earlier that several crocodiles escaped from Pasig Nature Park courtesy of their hero Bagyong Ondoy. Better start wearing those expensive crocs. Kundi kakainin ka nila. Lagot ka!
But don't worry if you ain't got any effin crocs, news says that all crocodiles are now back behind bars. Magaling! Magandang Balita! Now, people living in Pasig can start not minding the crocodiles and start helping others.
Sayang, kung napatay lang sila bago sila nakulong uli, laman tiyan na para sa mga nasalanta at sapatos at leather jacket na sa iba.
Anywho, goodwork Pasig Nature Park for bringing them back to safety and bringing the citizens of Pasig to safety too.
Si Jeff at Slow
Blog Archive
I-type ang nilalaman ng iyong damdamin.
Idol kami :)
Amin lang basahin niyo!
-
wrong timing - Hihingin sana number ng babae sa club.. Marvin: Hey, you're going already? Babae: Not yet, actually nawawala phone ko. Marvin: Oh.. try asking the bouncer...12 years ago